Pahayag

Press Release Payo ng CPP sa minamaltratong mga elemento ng CAFGU: Umalis na sa serbisyo

Nakatanggap kamakailan ang mga upisina ng Communist Party ng Philipiines ng panibagong bugso ng mga reklamo ng mga elemento ng CAFGU sa Mindoro at Zamboanga na inaabuso, di pinasusweldo at ginagawang alipin ng mga sundalo.

Payo ng CPP sa mga tauhan ng CAFGU, tanggihan ninyo ang pang-aabuso sa inyo ng mga upisyal ng AFP. Hindi porke kayo’y mahihirap, may karapatan silang kayo abusuhin at yurakan. Umalis na kayo sa serbisyo.

“Mas mabuting bumalik sa pagsasaka at paghahanapbuhay sa lupa, kaysa maging perwisyo sa masa,” ayon kay Marco Valbuena, chief information officer ng CPP.

“Ipinambabala lamang kayo sa kanyon ng AFP laban sa kapwa ninyo magsasaka at katutubo kapalit ng kakarampot na sweldo na di na nga dumadating sa panahon, binubulsa pa ng mga amo ninyong sundalo.”

“Kinurakot na nga ang inyong sweldo, sila pa ang may ganang umarteng may malasakit sa paghingi nila ng bigas sa mga LGU para may maiabot sila sa inyo, samantalang sila’y bundat sa malaking sweldo at allowance,” dagdag ni Valbuena.

Nananawagan ang CPP sa lahat ng mga CAFGU, laluna iyong mga pinilit lamang na maging myembro at maggiya sa mga operasyon ng AFP na bumitaw na sa pagka-CAFGU habang mayroon pang panahon.

“Bibigyang-kunsiderasyon kayo ng NPA kapag humingi kayo ng dispensa sa masang inyong napinsala.”

Payo ng CPP sa minamaltratong mga elemento ng CAFGU: Umalis na sa serbisyo