Articles tagged with Kalatas Tomo 44 Bilang 5

Kalatas | May 2024
May 31, 2024

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Ipaglaban ang kalayaan, sahod, trabaho at karapatan!
May 31, 2024 |

Ang imperyalismong US ang ugat ng kahirapan ng manggagawang Pilipino. Hangga’t nakakubabaw ang imperyalismong US sa bansa kasabwat ang mga lokal na naghaharing uri, patuloy na magdarahop ang buong bayan. Kailangang pangunahan ng uring manggagawa ang paglaban sa imperyalismo at palayain ang lahat ng aping uri sa pang-aalipin at pagsasamantala. Higit isang siglo nang kontrolado […]

Pagtalima sa kilusang pagwawasto: Punto de bista ng isang kadre sa kilusang paggawa
May 31, 2024 |

Buong pusong tinanggap ng mga rebolusyonaryong pwersa sa TK ang hamon ng kilusang pagwawasto na nilaman ng mensahe ng Komite Sentral sa ika-55 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Tumimo ang panawagan sa bawat organo at kasapi ng Partido sa TK at naging tulak upang isagawa ang mga kritikal sa sariling pagsusuma ng mga karanasan […]

Bagong Pilipinas: ilusyon at pambabaluktot sa papalubhang malapyudal na katangian ng lipunang Pilipino
May 31, 2024 |

Pagbungad pa lang ng taon, ipinagyayabang na ng rehimeng US-Marcos II ang diumano’y pagdating ng “Bagong Pilipinas” sa bansa. Sinundan ito ng mga binaluktot at dinoktor na mga datos ng umano’y pag-unlad ng ekonomya sa anyo ng paglago ng mga negosyo, pagbagal ng implasyon, pag-aayos ng pinansya ng gubyerno para paypayan ang kuno’y wastong estratehiya […]

Tugon ni Patnubay de Guia: Bakit mahalaga para sa manggagawa na magtayo ng unyon?
May 31, 2024 |

Ang unyon ang pangunahing organisasyon sa loob ng mga pagawaan na nagtataguyod sa mga karapatan at kagalingan ng mga manggagawa. Sa pamamagitan nito, naipaglalaban nila ang kanilang karapatan para sa makatwirang sahod, makataong kundisyon, regularisasyon sa trabaho sa paggawa at iba pang mga serbisyong panlipunan. Ito ang dahilan kung bakit kabilang sa mga batayang karapatan […]

El Niño, nanalanta sa MIMAROPA
May 31, 2024 |

Dagok sa kabuhayan ng mamamayan ng MIMAROPA ang pangunahing epekto ng matagal na tagtuyot at grabeng init ng El Niño. Iniinda ng mga magsasaka ang pagkasira ng mga pananim pangunahin ng palay. Halos 400,000 indibidwal mula sa higit 81,000 pamilya sa 553 barangay sa MIMAROPA ang itinala ng GRP na biktima ng kalamidad na hatid […]

‘Palayain ang Romblon 4!’
May 31, 2024 |

Muling ipinanawagan ng mga kaanak, kaibigan at demokratikong organisasyon ang kagyat na pagpapalaya kina Marlon Torres, Maria Teresa Dioquino, Benny Hilamon at Nolan Ramos o mas kilala bilang Romblon 4 sa isang press conference sa Commission on Human Rights sa Quezon City noong Mayo 27. Pinangunahan ito ng Free Romblon 4 Network, kalahok ang mga […]

“Libreng” wifi sa Rodriguez, Rizal, para sa sarbeylans, hindi serbisyong publiko
May 31, 2024 |

Nangangamba ang mga residente ng Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal sa ikinabit ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na “libreng wifi”. Nalantad ang nagbabalat-kayong serbisyo bilang sarbeylans sa mismong patawag ng NCIP sa mga residente ng Barangay San Rafael noong Mayo 24. Sa talumpati ng tauhan ng NCIP, inengganyo nito ang mga residente na […]

Pasismo laban sa isang kabataang lider at mga estudyante, kinundena
May 31, 2024 |

Mahigpit na kinukundena ng mamamayan ng TK ang panghaharas at pananakot ng mga pwersa ng reaksyunaryong estado sa isang kabataang aktibista sa Cavite at sa mga estudyante sa mga hayskul sa Rizal nitong Mayo. Cavite. Pinag-iinitan ng NTF-ELCAC ang aktibistang si Paolo Tarra, isang lider estudyante sa De La Salle University – Dasmarinas (DLSU-D) at […]

Protesta ng pakikiisa ng TK para sa Palestine
May 31, 2024 |

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan (Bayan-TK), inilunsad ang kilos protesta sa University of the Philippines (UP)-Los Baños noong Mayo 30 upang suportahan ang pakikibaka ng mamamayang Palestine laban sa kampanyang henosidyo ng Zionistang Israel na suportado ng imperyalismong US. Sinundan ang protesta ng gabi ng pakikiisa kung saan naghandog ng kulturang pagtatanghal ang […]