Komite Sentral, Partido Komunista sang Pilipinas
Hulyo 1992
Pagbubuo ng Nagkakaisang Prente
Ang Partido mayroong rebolusyonaryong linya sa uri sa pagbubuo
ng nagkakaisang prente para sa pambansa-demokratikong rebolusyon at
para sa armadong rebolusyon. Ang rebolusyonaryong linyang ito sa uri
ang pagbubuo ng saligang alyansa ng mga manggagawa at magsasaka,
paghimok sa petiburgesya at pambansang burgesya, paghihiwalay at
paglaban sa mga sagadsaring reaksyunaryo, at pagsamantala sa mga
hidwaan ng mga reaksyunaryo. May isang istruktura ng mga rekisito para
umiral at sumulong ang rebolusyonaryong nagkakaisang prente ayon sa
rebolusyonaryong linya ng Partido sa uri.
Una, kinakailangan ang pamumuno ng proletaryado sa pamamagitan
ng Partido, na sa umpisa'y nagrekluta ng kasapian nito sa mga unyon ng
mga manggagawa, kabataan at mga kilusang masang nakabase sa kalunsuran
at sa mga labi ng dating rebolusyonaryong kilusan.
Pangalawa, kinakailangan ang saligang alyansa ng proletaryado
at ng uring magsasaka sa pamamagitan ng pagmumulat, pag-oorganisa at
pagmomobilisa ng Partido sa masang magsasaka at pagtatayo ng Bagong
Hukbong Bayan at ng mga samahang magsasakang pinamumunuan ng Partido.
Pangatlo, kinakailangan ang mas malawak na alyansa ng masang
anak-pawis na mga manggagawa at magsasaka sa ikatlong batayang pwersa
ng rebolusyon, ang petiburgesyang lunsod, sa pamamagitan ng lihim na
NDF at iba pang hayag na mga alyansa.
Pang-apat, kinakailangan ang ibayong mas malawak pang alyansa
ng mga positibong pwersa ng rebolusyon, na nag-uugnay ng mga saligang
pwersa ng rebolusyon sa pambansang burgesya. Sa ngayon, wala pang
makabuluhang ekspresyon sa organisasyon ang nagkakaisang prente ng mga
positibong pwersa bagamat may mga miyembro at grupo ng pambansang
burgesya na nakikipagtulungan sa rebolusyonaryong kilusan sa mga lugar
na malakas ang rebolusyonaryong kilusang armado at kilusang unyon.
Panglima, maaaring magkaroon ng pakikipag-alyansa sa ilang
seksyon ng mga reaksyunaryong uri laban sa pangkating
pinakareaksyunaryo. Mahusay na naipamalas ito sa pambansang antas sa
antipasistang pakikibaka. Ang mga naliliwanagang panginoong maylupa at
negosyante nagpapakita na ng kooperasyon sa pamamagitan ng
pagbabayad ng buwis sa pamahalaang bayan at nakikipagtulungan sa
Partido, BHB, NDF at mga organisasyong masa sa mga usaping tulad ng
reporma sa lupa, relasyong sahuran, mga eleksyon, at iba pa.
Pang-anim, ang pinakamalawak na alyansa maaaring iharap
laban sa pinakamakitid na target, ang pangkating reaksyunaryo na
naghahari o siyang pinapaboran ng imperyalismong US nang higit sa iba.
Paisa-isa at sunud-sunod na nilalabanan at ginagapi natin ang mga
pinakareaksyunaryong pangkatin at sa prosesong ito'y nakapag-iipon tayo
ng rebolusyonaryong lakas.
Kailangang gampanan ng Partido ang namumunong papel bilang
kumakatawan sa mga kagyat at matagalang karapatan at interes ng uring
manggagawa at dapat nitong mapag-iba sa antas ng mga usapin sa uri ang
mga matatag at mapagkakatiwalaang alyado mula sa mga di-matatag at
di-mapagkakatiwalaan.
Pero noon pa mang 1975, mayroon nang panukalang isantabi ang
lenggwaheng Marxista- Leninista sa ANG BAYAN at sa partikular ang
terminong "reaksyunaryong anti-Marcos" na eksakto ang kahulugan sa
pulitika, sa pagtukoy sa mga alyadong tulad nina Benigno Aquino,
Diosdado Macapagal at Joaquin Roces. May maling palagay na ang mga
alyadong tulad nina Lorenzo Tanada at Jose W. Diokno, na tunay na
nagdadala ng malinaw na linyang makabayan at progresibo sa mga
pangunahing isyu, mag-aakalang sila ang tinutukoy at maiinsulto ng
termino.
Kaya naglaho ang termino bandang katapusan ng mga taong 1970.
Ang ipinalit ang terminong "repormistang burgis" na istrikto sa
usapin sa ideolohiya at ginamit sa mga debate ng mga Bolshevik at
Menshevik. May panahong malawak na inilapat ang terminong ito at
nagtumpok sa iisang kategorya ng mga pwersa at elementong reaksyunaryo
at mga indibidwal at grupong kabilang sa mga positibo at saligang
pwersa ng rebolusyon. Pero ang mas malaking resulta nito sa praktika
ang pagpapalabo at paglito sa usapin ng makauring katangian at
paninindigan ng mga reaksyunaryong anti-Marcos. Hinati ang mga
"repormistang burgis" sa tatlong panig (kanan, gitna at kaliwa) at kung
gayon, itinuring silang isang panggitnang bloke sa kabuuan.
Ginamit ng isang panig ang termino para suportahan ang isang
sektaryong pusisyon. Itinaguyod nito ang taktika ng mapagpasyang
tagumpay ng rebolusyon laban sa pasistang diktadurang US-Marcos at ang
patakaran ng pagnyutralisa, pagbuwag at pag-alis sa kabuluhan ng
blokeng "repormistang burgis". Kaya ang tendensya nito'y ipataw ang
abanteng pusisyon at kagustuhan ng Partido sa mga ligal na
organisasyong may katangiang pangmasa at pang-alyansa, sukdang
magkahati-hati ang huli at mahiwalay sa malawak na prenteng antipasista
ang mga elementong abante.
Binaligtad iyon ng isa pang panig na bumaling sa isang liberal
na pusisyon naman. Ang isang pusisyong sukdulan tinugon ng isa pa.
Sa gayon, humantong ang ilang elemento ng Partido sa Pambansang
Komisyon sa Kalunsuran (NUC), Komisyon sa Nagkakaisang Prente (UFC),
Pambansang Istap Militar (na kalauna'y tinawag na pangkalahatang
kumand) at ANG BAYAN sa pagturing na pambansang burgis ang
pampulitikang paninindigan ni Aquino at liberal-demokratiko ang kanyang
rehimen, sa halip na isang rehimeng malaking kumprador-panginoong
maylupa na suportado ng US. Gaya ng burgis na masmidyang Amerikano,
ibinando nila ang linyang liberal-demokratiko ang bagong reaksyunaryong
rehimen at lumikha ng kalituhan maging sa mga kasapi ng Partido at mga
rebolusyonaryong organisasyong masa.
Paulit-ulit na lumilitaw ang mga pagkakamali sa gawaing
nagkakaisang prente. Mayroong ilan, sa kagustuhang pabilisin ang
pagkahinog ng insureksyunaryong sitwasyon sa kalunsuran, na
nagpapanukala ng pagtatayo ng tuwiran at hayagang alyansa sa pagitan ng
NDF at mga ligal na organisasyon at alyansa, progresibo at hindi, sa
loob ng balangkas ng isang minimum na programang komun (ang tinaguriang
adyenda ng bayan). Ang layunin diumano ipusisyon ang NDF sa sentro
ng mga pakikibakang bayan na pauunlarin tungo sa mga armadong
pag-aalsang masa. Pero ang tunay na ipinapanukala nila paggulo sa
hangganang nag-iiba ng ligal at iligal na mga organisasyon at
pakikibaka at paghatak sa NDF pababa sa antas ng mga ligal na
kaalyadong organisasyon at personalidad, na ang marami'y nakapaloob pa
sa repormismo bagamat may progresibong tindig sa ilang usapin.
Mayroon ding mga nagtutumbas ng nagkakaisang prente sa buong
sambayanan at pagkatapos, nagpaparatang sa Partido ng pagkasangkapan sa
sambayanan kapag binabanggit ng Partido na mga sandata nito ang
armadong pakikibaka at nagkakaisang prente. Hindi nila nauunawaan na
ang proletaryong pamumuno sa pamamagitan ng Partido, ang armadong
pakikibaka sa pamamagitan ng BHB at ang nagkakaisang prente sa
pamamagitan ng NDF at iba pang pormasyon o mga impormal na relasyong
pagtutulungan pawang mga aspetong bumubuo ng rebolusyonaryong
kilusan at pawang mga sandata o kasangkapan ng sambayanang Pilipino sa
pambansa-demokratikong rebolusyon.
Mayroon ding mga nais itumbas ang NDF sa buong nagkakaisang
prente at gawin ang NDF na isang pederasyong panlahat na humahawak ng
pamumuno sa rebolusyong Pilipino at kung saan nakapailalim sa pulitika
at organisasyon ang Partido hindi lamang sa isang "sentrong pederal"
kundi sa isang sentrong pinamamayanihan ng mga pormasyong petiburgis.
Mayroong mga pumapawi sa kasaysayan ng NDF ng papel at
inisyatiba ng Partido sa pagtatatag ng NDF at nag-aalis ng namumunong
papel ng proletaryado sa nagkakaisang prente. Kapag pawi na ang
proletaryong pamumuno, ang demokratikong rebolusyong iniisip walang
iba kundi pagbuhay muli ng lumang liberal ng rebolusyon at panandaliang
hegemonya ng mga pormasyon at ideyang petiburgis, sa kapakanan ng mga
kasalukuyang mapagsamantalang uri. Sa katunayan, ang programa ng NDF
sobrang idinitalye na at ilang ulit nang pinalabnaw dala ng pag-iisip
na ang layunin kahit matapos maagaw ang kapangyarihang pampulitika
(makumpleto sa saligan ang pambansa-demokratikong rebolusyon) ang
pagtatatag ng isang "lipunang pambansa-demokratiko" at hindi pa
lipunang sosyalista. Impluwensyado rin ito ng (ngayo'y nabigo na)
programang Sandinista ng "demokrasyang multipartido" (walang
sosyalistang rebolusyon) at "mixed economy" (walang sosyalistang
konstruksyon) at ng mga patakaran ng mga rehimeng rebisyunista na ang
pundasyon pagwawaksi sa namumunong papel ng proletaryado.
Sa kabila ng lahat ng pagsisikap na hangad ang pagpapalawak,
ang NDF nananatiling isang lihim na nagkakaisang prente ng mga
organisasyon ng mga saligang pwersa ng rebolusyon (proletaryado, uring
magsasaka at petiburgesyang lunsod). Dapat bang umatras o muling
pagtibayin kung ano ang NDF ngayon—bilang isang pormal ng organisasyon
ng nagkakaisang prente ng mga batayang rebolusyonaryong pwersa na
tumatanggap sa pamumuno ng uring manggagawa, sa linyang bagong
demokratiko at sa armadong pakikibaka?
Maaaring gawin ang internal na pagpapalakas ng NDF kahit
manatili ito alinsunod sa orihinal na konsepto noong 1973 nang mayroon
syempreng karampatang pag-aangkop sa di nangyaring inaasahan noon na
ito ang magiging kabuuang nagkakaisang prente ng lahat ng mga uring
makabayan at progresibo. At batay dito, pwedeng magpatuloy ang paglapit
sa mga alyadong ayaw pumasok sa NDF pero handa sa iba't ibang balangkas
ng relasyong dalawahang-panig at maramihang-panig.
Ang internal na pagpapalakas ng NDF nangangahulugan ng
pagkumpirma sa katayuan nito bilang pinakasulong na organisasyong
nagkakaisang prente ng mga saligang rebolusyonaryong pwersa ayon sa
linyang bagong demokratiko. Nangangahulugan din ito ng pagpapaunlad ng
mga lihim na organisasyong kaalyado o katulong sa NDF, na iba pa sa
Partido kahit pinamumunuan o impluwensyado ng Partido, at ng BHB; at
paglikha ng mga konseho at organong tutulong at maghahawan ng landas
para sa pamahalaang bayan sa iba't ibang antas.
Sa halip na pairalin ang konsepto ng pederasyon, mas
pleksibleng gamitin ang prinsipyo ng ugnayang kumperensyal, konsensuwal
at konsultatibo ng mga organisasyong bumubuo ng NDF. Ito ang paraan
para lampasan ang mga katanungang tulad ng kung ang NDF nasa ilalim
ng demokratikong sentralismo ng Partido o ang kabaligtaran; at para
panatilihin ding bukas palagi ang pinto sa mga grupo at indibidwal na
gustong sumama, depende sa mga sirkunstansya at lakas ng
rebolusyonaryong kilusan.
Ang paglapit sa mga grupong makakaalyado hindi
nangangahulugan ng pakikipag-ugnayan lamang sa mga gustong sumama sa
NDF. Nangangahulugan rin ito ng pagtatayo ng relasyong dalawahang-panig
o maramihang-panig sa kanila sa batayang konsultatibo at konsensuwal.
Maaaring mas gusto ng ganitong mga alyado na makipag-ugnayan sa NDF
mula sa labas at posibleng sa katayuang magkakapantay sa mas malapad na
balangkas. Mula 1986, ang mga ligal na alyansang higit na pinalawak
nagpakita ng daan kung paano itatayo ang mga alyansa sa batayang
konsultatibo at konsensuwal, nang hindi kinakailangang mamili sa
pagitan ng pederal at yunitaryong anyo ng organisasyon o nang hindi
nagkakandalito tungkol sa mga anyong ito ng organisasyon.