Home   Publications   References  

Features

  Multimedia   Utilities  
Manindigan Para sa Sosyalismo Laban sa Modernong Rebisyunismo

IV. Ilang mga Aral mula sa Pagguho ng Makabagong Rebisyunismo sa Unyong Sobyet at Silangang Europa



Read in English Basahon sa Hiligaynon
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20   Next>

Armando Liwanag, Tagapangulo, Partido Komunista ng Pilipinas

Enero 15, 1992


Lubhang mahalaga ang paggawa ng presisong paglalarawan sa mga naghaharing partido at rehimen sa Unyong Sobyet at Silangang Europa, sa krisis na malinaw na tumama sa kanila mula pa noong maagang bahagi ng dekada otsenta at sa kanilang pagguho mula 1989 hanggang 1991. Ang mga naghaharing partido at rehimeng ito ay mga rebisyunista. Ang kanilang krisis at pagguho ay hindi krisis at pagguho ng sosyalismo kundi ng makabagong rebisyonismo o ng kapitalistang pagpapanumbalik na nagbalatkayong sosyalismo. Ang lansakang pagpapanumbalik ng kapitalismo at ang makauring diktadura ng burgesya ang mga di-mapapasubaliang patunay. Ang pagkalantad ng mga rebisyunistang sistema at ang paglabas ng katotohanang sa ilang taon bago ang pagguho ay naganap sa mismong harap ng ating mga mata.

Magkakaroon ng pang-ideolohiya at pampulitikang kalituhan kung ang krisis at pagguho ng mga naghaharing rebisyunistang partido at rehimen ay isalarawang krisis at pagguho ng sosyalismo at hindi ng makabagong rebisyunismo. Ang ganitong paglalarawan ay patuloy na ituturing ang makabagong rebisyunismo bilang sosyalismo. Ang lahat ng mga Marxista-Leninista ay dapat matatag na kilalanin ang katotohanang ang sosyalismo ay pinahina at napangibabawan ng makabagong rebisyunismo sa matagal na panahon bago pa nalublob ang huli sa krisis at tumungo sa pagguho ng mga naghaharing rebisyunistang partido at rehimen noong 1989 at 1991. Maaari lamang magsabi ang isang tao ng krisis ng sosyalismo sa pag-iisip ng ilan na naipagkakamaling sosyalismo ang makabagong rebisyunismo at sinusuri ang katangian, pag-unlad, krisis at pagguho ng mga naghaharing rebisyunistang partido at rehimen. Ang mga imperyalista, mga rebisyunista mismo at ang burges na intelihensya ay simpleng tinatawag ang krisis at pagguho ng mga anti-Stalin na mga partido at rehimeng ito bilang "krisis ng Stalinismo" o ng "Stalinistang" modelo ng sosyalismo. Si Stalin ay matagal nang namayapa sa loob ng 38 taon at ang proseso ng "de-Stalinisasyon" ay nagtuluy-tuloy sa nakaraang 35 taon.

Isang kahangalan na ang matagal nang namamayapang si Stalin pa rin ang binubuntunan ng sisi sa mga ginawa at hindi nagawa ng mga bumabatikos sa kanya sa mga taong nagdaan. Ito ay purong pagpapalabo at kultong personalidad sa kabaligtaran ng mga bumabatikos kay Stalin! Ang mga merito at demerito ng sinumang lider ay tatasahin lamang sa loob ng kanyang panahon ng panunungkulan, maliban lamang kung ang layunin ay hindi ang paggawa ng pangkasaysayang pagtatasa kundi ang gawing demonyo ang isang lider at gumamit ng psywar upang atakehin ang Marxismo-Leninismo at sosyalismo sa isang burges na personalistikong paraan. Hindi dapat hayaang pagtakpan ng mga makabagong rebisyunista ang kanilang pananagutan sa loob ng kanilang sariling panahon ng paghahari. Sa katunayan, ang mga dakilang tagumpay ni Stalin sa Sosyalistang Konstruksyon at pagtatanggol sa Unyong Sobyet ay ilang-ulit na laban sa pagpapanumbalik ng kapitalismo at sa paglalansag ng Unyong Sobyet ng mga makabagong rebisyunista.

Kailangang mahango natin ang mga wastong aral mula sa pagtataksil at pananabotahe sa sosyalismo na ginawa ng mga makabagong rebisyunista mula kay Khrushchov hanggang kay Gorbachov. Kailangang labanan natin ang mga pwersa at elemento na nagnanais wasakin ang Partido at ang rebolusyonaryong kilusan mula sa loob sa pamamagitan ng paggaya kay Gorbachov at mga katulad niya at tinatanggihan ang mga saligang rebolusyonaryong prinsipyo ng Partido.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.