Home   Publications   References  

Features

  Multimedia   Utilities  
Manindigan Para sa Sosyalismo Laban sa Modernong Rebisyunismo

III. Ang Proseso ng Kapitalistang Pagpapanumbalik

Ang Komonwelt ng mga Independyenteng Estado

Read in English Basahon sa Hiligaynon
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20   Next>

Armando Liwanag, Tagapangulo, Partido Komunista ng Pilipinas

Enero 15, 1992


Ang Komonwelt ng mga Independyenteng Estado (KIE) na siyang pumalit sa Unyong Sobyet ay pinaghaharian ng Rusya, na nagwawagayway ng lumang tsaristang bandila ng Dakilang-Rusong Sobinismo, at dumadanas ng seryosong mga kontradiksyon sa pagitan ng Rusya at iba pang mga republika, sa hanay ng mga republikang may komon na hangganan, sa pagitan ng mga komunidad ng mga Ruso at ng mga lokal na nasyunalidad sa mga di-Rusong republika at sa hanay ng mga iba't ibang nasyunalidad sa loob ng bawat republika.

Ang mga kontradiksyon ay kinabibilangan ng pampulitika, pang-ekonomya, pampinansya, panseguridad, etniko at isyu tungkol sa mga hangganan. Mayroong pampulitikang kaguluhan sa buong tinaguriang komonwelt. Ang mga malulubhang pagtatalo sa pagitan ng Rusya at Ukraine ay kaugnay sa mga usaping pang-ekonomya at pampinansya at sa usapin ng paghahati sa hukbong pandagat at pwersang panghimpapawid ng Sobyet, ang usapin ng mga sandatahang nukleyar at mga usaping panghangganan sa lupa at sa dagat. Mayroong mga kilusang para sa kasarinlan sa hanay ng mga minoryang nasyunalidad sa Rusya at sa mga digmaang sibil sa Georgia at sa pagitan ng Armenia at Azerbaijan.

Ang kaguluhang pang-ekonomya ay lalong pinalubha ng pagliliberalisa ng mga presyo noong ika-2 ng Enero. Ang mga presyo ng mga saligang bilihin ay tumaas ng ilang ulit hanggang sa mahigit sa dalawampung beses. Ang mga tindahang estado ay inubos ng mga patagong bentahan sa malayang pamilihan. Kahit ang mga ayudang pagkain mula sa labas ay dumagsa sa malayang pamilihan. Ang mahigit sa kalahati ng populasyon ay dumausdos sa ibaba ng linya ng kahirapan at nasa panganib na magutom. Sa ilalim ng mga ganitong sirkunstansya, ang mga demonstrasyon sa lansangan at mga welga ng mga manggagawa ay nagsusulputan laban sa lantad na mga kapitalistang rehimen. Ang mga unyon ng mga manggagawa ay napukaw na matinding kalagayang mapanupil at mapagsamantala at nagsimula nang maglunsad ng mga pangkalahatang welga. Ang Partido ng mga Komunistang Manggagawang Ruso at ang Nagkakaisang Prente ng mga Manggagawa sa Leningrad (Petersburg) ay ang ilang pinakamilitante sa paglulunsad ng mga aksyong masa laban sa burges na rehimeng Ruso ni Yeltsin.

Sa Unyong Sobyet, ang mahigit sa 90 porsyento ng mga mayor na industriya ay nananatiling pag-aari ng estado. Ito ay totoo rin sa kaso ng mga bansa ng Silangang Europa, maliban sa Poland na kung saan ang pagsasapribado ay naging pinakamabilis at ang mga empresang pag-aaring-estado ay nananatiling 80 porsyento ayon sa isang ulat. Ang ganitong pagpapatuloy ng pangingibabaw ng mga empresang pag-aaring estado ay hindi nangangahulugan ng sosyalismo. Noon pang unang panahon, marami sa mga empresang ito ay nagkaroon na ng kapitalistang katangian nang mapailalim sila sa kontrol at naging mga instrumento ng mga burukrata kapitalista at ng mga pribadong negosyante bagamat ang mga ito ay nananatiling pag-aaring estado. Ang nagaganap na pagsasapribado ng mga empresang estadong ito ay pinabagal ng kawalan ng tunay na pribadong kapital, ang pagkawala ng mga inipong-salapi sa hanay ng mamamayan at ang kawalan ng dayuhang interes sa pagbili ng mga lumang planta at pamumuhunan sa mga bagong negosyo.

Ang mga dating komunistang burgesya at ang mga dayuhang mamumuhunan ay interesadong-interesado sa pagbili sa napakaiskandalosong mababang presyo ng mga pag-aaring estado na lumilikha ng mabilis at malalaking tubo. Ang hindi episyente at lumang mga empresang estado ay pinanatili na lamang dahil sa kailangan pa sila ng lipunan at patuloy na nagiging gatasan ng mga pribadong negosyante (hal., bakal at iba pang metal, enerhiya at iba pang hilaw na materyales, transportasyon, at iba pa). Ang pagsasara at pagbabawas ng produksyon ay nagpapatuloy sa mabilis na takbo. Sa proseso, ang milyong mga manggagawa ay tinanggal. May isang proseso ng pagkawala ng industriyalisadong katayuan na nagsasadlak sa dating Unyong Sobyet o ang mga republika ng tinaguriang KIE at Silangang Europa sa kumunoy ng kapitalismong ikatlong daigdig.

Ang KIE ay walang malakas na pampulitika at pang-ekonomyang sentro. Ngunit sa kasalukuyan, mayroong malakas na sentrong militar dahil ang pamatnugutang sentral ng dating sandatahang lakas Sobyet ay pinanatili. Kahit na ang mga lider ng mga kapitalistang bansa na nag-aalaala sa mga nukleyar at iba pang mga istratehikong sandata ay naggigiit na ang mga ito ay dapat mapailalim sa isang pamatnugutang militar. Gayunman, ang kaguluhang pampulitika at pang-ekonomya ay maaaring magtulak sa mga upisyal militar na ilagay sa kanilang mga kamay ang mga usapin sa kalagayang ang mga tauhang militar at ang malawak na masa ng sambayanan ay malubhang naghihirap.

Nananatiling palaisipan pa sa mga manunuri sa labas ang usapin kung magkakaroon ng kaguluhang panlipunan sa tradisyon ng mga Bolshevik (ang mga kagawad ng militar na sumasanib sa mga organisasyon ng mga manggagawa) o isang kudeta upang ipataw ang pasismong militar sa buong saklaw ng tinaguriang komonwelt o sa serye ng mga republika (tulad ngayon ng Georgia). Ang nangingibabaw na pananaw ay ang bagong burgesya sa loob at labas ng sandatahang lakas ay napakamakapangyarihan sa kasalukuyan kung kaya mas ang banta ng pasismong militar ang malamang na mangyari kaysa sa pagbalik sa sosyalistang landas kung magkakaroon man ng panibagong biglaang pagbabago.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.