Pekeng litrato ng pekeng surender
MULING NALANTAD ANG programa ng pekeng pagpapasurender na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa dinuktor na larawan mula sa Armed Forces of the Philippines.
Noong Disyembre 26, 2019, naglabas ng balita ang 2nd IB sa pamumuno ni Lt. Col Napoleon Pabon na 306 umanong myembro ng Bagong Hukbong Bayan ang sumurender. Kasabay nito ang isang litratong ipinamahagi sa midya na nakakuha ng pansin ng mamamayan. Sa nasabing larawan, isang lumang litrato ng isang grupo ng umano’y mga sumurender ang ipinatong sa isa pang litrato na may mga nakahilerang baril.
Ilang araw na laman ng mga balita ang pagbatikos sa panlilinlang ng militar. Dahil sa iskandalo, naobligang magpaliwanag ang mga tagapagsalita ng militar at nangakong magsasagawa ng imbestigasyon.