Wala nang "inosente" sa ilalim ng panukalang batas

,

Mariing tinutulan ng blokeng Makabayan ang panukalang ipinasa sa Kongreso noong Marso 2 na babaklas sa saligang karapatang ituring na inosente ang isang indibidwal hanggang di napatutunayan ang kanyang krimen.

Anito, tinatanggal ng House Bill No. 7814 ang batayang mga proseso ng hustisya sa mga pinagsususpetsahang sangkot sa iligal na droga.

Sa ilalim nito, agad na ipagpapalagay na maysala bilang protektor o nagkakanlong ang isang tao kapag may kakilala siya na nag-eeksport ng iligal na droga at tinulungan niya itong makaiwas ng aresto.

Maysala rin agad ang isang mahuhulihan ng resibo o anumang papeles na may kaugnayan sa importasyon o eksport nito. Ang anumang ebidensya na nagbigay ng pondo ang isang kilalang importer o eksporter ng droga sa isang indibidwal ay awtomatikong ituturing na “ebidensya” laban sa kanya. Marami pang ibang probisyon na nagtatanggal sa batayang karapatan ng mga indibidwal na maaaring sangkot o hindi na sangkot sa iligal na droga.

Wala nang "inosente" sa ilalim ng panukalang batas