68 ektaryang lupa, naipagwagi ng mga magsasaka ng Tinang

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Upisyal nang kinilala ng reaksyunaryong gubyerno ang pagmamay-ari ng 90 magsasakang kasapi ng Malayang Kilusang Samahan ng mga Magsasaka ng Tinang (Makisama-Tinang) sa 68 ektaryang lupa sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Mayo 8. Bunga ito ng tatlong dekadang pakikibaka para sa lupa at muli nilang paglulunsad ng kampanyang pagbawi sa lupa sa porma ng bungkalan noong Hunyo 2022.

Iginawad ng Department of Agrarian Reform ang Certificate of Land Ownership Award sa mga taga-Tinang matapos ilang ulit itong iatras sa harap ng napakaraming serye ng mga protesta, dayalogo at kampuhan.

“Nagtagumpay po kami dahil sa aming sama-samang pagkilos na abutin ang aming karapatan at katarungan. Kung hindi naman po kami nagkaisa at nanindigan, kahit pala po nasa panig namin ang tama, hindi talaga ibinibigay ng kusa ang karapatan. Kailangan po talaga itong ipaglaban,” ayon kay Alvin Dimarucut, tagapangulo ng Makisama-Tinang.

Kasabay ng ganap na paggawad ng titulo sa lupa, iginiit din ng mga magsasaka ang pagbabasura sa lahat ng mga kasong isinampa laban sa Tinang 83 tulad ng obstruction of justice, usurpation of property rights, human trafficking, at child exploitation. Ang Tinang 83 ay mga magsasaka at kanilang tagasuporta na inaresto habang naglulunsad ng bungkalan noong Hunyo 2022.

68 ektaryang lupa, naipagwagi ng mga magsasaka ng Tinang