"Freeze order" sa akawnt sa bangko ng mga NGO, kinwestyon sa korte

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Kinwestyon ng Citizen’s Disaster Response Center Foundation (CDRC) at Leyte Center for Development Enterprise, Inc. (LCDE) ang ipinataw na “freeze order” ng Anti-Money Laundering Council sa kanilang mga akawnt sa bangko. Nagpetisyon ang CDRC sa Court of Appeals sa Quezon City noong Hunyo 2 habang ang LCDE noong Mayo 17 sa parehong korte sa Cebu City. Layon nilang ipatanggal ito at hamunin ang ligalidad ng sangsyon na anila’y hindi dumaan sa tamang proseso, at labag sa mga karapatan sa malayang pagpapahayag at asosasyon.

Ang CDRC at LCDe ay dalawa lamang sa napakarami nang mga samahang progresibo at organisasyong pangkaunlaran na arbitraryong pinatawan ng katulad na “freeze order” matapos akusahan ng “terrorism financing.”

Ang panggigipit na ito ay nakabalangkas sa inilabas ng rehimeng Marcos ang National Security Plan 2023-2028. Lantad na nakasaad dito ang patakarang palalakasin ang aksyon laban sa inaakusahan nitong mga ligal na prente ng “CPP-NPA-NDF para putulin… ang pinagmumulan ng pinansya.” Ang sinumang itatakda nitong may ugnayan sa rebolusyonaryong kilusan ay basta-basta at walang-batayang ginigipit.

"Freeze order" sa akawnt sa bangko ng mga NGO, kinwestyon sa korte