Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

 

VFA, ibasura. Nagprotesta ang mga demokratikong organisasyon sa Cebu City noong Mayo 27 para muling ipanawagan ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at imperyalistang US. Kasabay ito ng ika-25 taong anibersaryo mula nang ratipikahan ng Senado sa ilalim ng rehimeng Estrada ang naturang kasunduan noong Mayo 27, 1999. Pinangunahan ang pagkilos ng Bagong Alyansang Makabayan-Central Visayas.

Tigil pasada sa Iloilo, ikinasa. Nagtigil-pasada ang mga drayber sa tinatawag na “first town” o mga bayan sa paligid ng Iloilo City noong Hunyo 3 para tutulan ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ng syudad na maglilimita sa bilang ng dyip na papapasukin dito. Lubhang apektado ang mga drayber at komyuter mula sa mga bayan ng Leganes, Pavia, Oton at San Miguel sa iskemang ito. Ang LPTRP ay kaugnay ng makadayuhang PUVMP o jeepney phaseout. Natulak nila ang gubernador ng Iloilo na harapin sila sa isang dayalogo sa araw na iyon.

Kampuhan kontra komersyalisasyon sa UP-Diliman. Naglunsad ng kampuhan ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP)-Diliman noong Mayo 30-31 para tutulan ang lumalalang komersyalisayson ng pamantasan at nakatakdang pagbubukas ng bagong mall sa kampus nito sa Quezon City. Kasama nila sa kampuhan ang mga manininda na lubhang maaapektuhan ng pagpasok ng malalaking pribadong negosyo sa kampus. Sinalubong nila ng protesta noong Mayo 31 ang pulong ng UP Board of Regents.

Mandatory ROTC, labanan. Nagprotesta ang mga kabataang Pilipino sa harap ng Senado sa Pasay City noong Mayo 22 para ipahayag ang kanilang pagtutol sa pagraratsada sa panukalang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps sa mataas na kapulungan. Noong Abril, inihayag ng ilang senador ang plano nilang pagratsada sa naturang mapanupil na panukala bago magtapos ang sesyon ng Senado. icon

Mga protesta