Ripleng R4, nasamsam sa ambus ng BHB sa Western Samar

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) ang isang ripleng R4 sa ambus nito laban sa 3rd IB sa Barangay Gayondato, San Jorge, Western Samar, alas-9 ng umaga noong Mayo 14. Napatay sa opensiba si Cpl. Reycon Remedio at isa pang sundalo ang nasugatan.

Ayon sa ulat, lumabas sa kampo nito sa Barangay Gayondato ang mga sundalo ng 3rd IB para maligo nang paputukan ng mga Pulang mandirigma.

Bago pa ang ambus, isinagawa rin ng BHB noong Mayo ang operasyong haras laban sa mga kampo ng CAFGU. Hinaras ng hukbong bayan ang kampo ng CAFGU sa Barangay Santo Niño, Motiong at sa Barangay San Fernando, Jiabong. Napatay dito ang isang sundalo at isang elemento ng CAFGU.

Sa Oriental Mindoro, pinaputukan ng BHB-Mindoro (Lucio de Guzman Command) ang mga sundalo ng 4th IB na nasa kampo militar nito sa Sityo Sigao, Barangay Lisap, Bongabong noong Mayo 20. Nakakampo ang mga sundalo sa naturang sityo at nagpapataw ng paghaharing batas militar mula pa 2022.

Sa Negros Oriental, naglunsad ang BHB-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) ng dalawang operasyong haras laban sa 62nd IB. Inatake nila ang base ng 62nd IB sa Barangay Malangsa, Vallehermoso noong Mayo 24 at sa Barangay Hinakpan, Guihulngan City noong Mayo 27.

Ripleng R4, nasamsam sa ambus ng BHB sa Western Samar