Mga protesta

,

 

Impeach Sara, ipinanawagan. Nagpiket sa harap ng Kongreso noong Setyembre 23 ang mga grupong pambansa-demokratiko para ipanawagan ang pagtatanggal kay Sara Duterte bilang bise presidente. Ayon sa Bayan, karapat-dapat nang patalsikin si Duterte dulot ng maanomalya niyang paggastos sa confidential at intelligence funds na iginawad sa kanyang upisina noong nakaraang mga taon. Anito, maituturing itong “betrayal of public trust” na maaaring basehan para maghain ng impeachment complaint laban sa kanya sa Kongreso.

2-araw na tigil-pasada laban sa jeepney phaseout, nagtagumpay. Matagumpay na inilunsad ng mga grupong Piston at Manibela ang dalawang araw na tigil-pasada noong Setyembre 23-24 laban sa jeepney phaseout at para sa pagbabalik ng indibidwal na prangkisa. Umabot sa 90% ang pagkaparalisa sa mga mayor na ruta sa Metro Manila sa dalawang magkasunod na araw. Itinayo ng mga samahan ng tsuper at opereytor ang 11 sentro ng welga at protesta sa naturang mga araw.

Nagkaroon ng kasabay na tigil-pasada at protesta ang mga grupo sa Calabarzon, Baguio, Bicol, Negros, Panay at iba pang mga rehiyon. Nanawagan ang mga lokal na samahan sa kani-kanilang lokal na gubyerno at ahensya na ibasura ang mga local public transport route plan na lokal na bersyon ng PTMP.

Mga protesta