Unyon sa Nexperia, tagumpay sa paggiit ng mga hinaing

,

Naitulak ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union-National Federation of Labor Unions-Kilusang Mayo Uno ang maneydsment ng Nexperia Philippines na galangin ang unyon at karapatan ng mga manggagawa sa katiyakan sa trabaho. Sa isang kasunduang naabot noong Setyembre 18, nangako ang kumpanya na ibabalik ang mga tinanggal, palalawigin ang mga benepisyo at palalakihin ang separation pay ng mga manggagawa bago sumapit ang Oktubre 7.

Naitulak din ng unyon ang maneydsment na mangakong wala nang magaganap na tanggalan hanggang katapusan ng taon at magtutuluy-tuloy na ang negosasyon para sa panibagong collective bargaining agreement. Dahil dito, pansamantalang iniatras ng unyon ang planong welga na pinagbotohan ng mga manggagawa noong Hulyo.

Unyon sa Nexperia, tagumpay sa paggiit ng mga hinaing