Hustisya

,

 

Marso a-syete linggo dalawang libo at dalawampu’t isa
Madugong araw ang naganap sa isang iglap
Siyam na aktibista ang sabay-sabay na pinaslang
Ng mga berdugong pasista sa utos ng amo nila

Pagsapit ng umaga ang mga aktibista
Pinaratangang mga NPA at komunista
Inilabas ang gawa-gawang mandato de aresto
At ebidensya kuno na mga bala at bomba na nakuha sa kanila
Para pagmukhain na lehitimo ang kanilang pagpaslang

Naulila ngayon ang kanilang mga pamilya
At humihingi ng hustisya
Na puno ng dalamhati na mahal nila sa buhay ay di na makakasama.
Na tanging bangkay na naiwang puno ng dugo at durog ang mga buto at puso
Ng mga balang kumitil sa kanila at lumagot ng kanilang mga hininga

Apat na taon na ngayon na humihingi ng hustisya
Ang mga biktima at pamilya
Na ang mga nagkasala ay naabswelto pa
At bigong mapanagot sa kanilang pagkakasala

Matibay ang pasya ng libu-libo pang biktima
Kasama ang pamilya ng siyam na aktibista
Makakamit ang tunay na hustisya
At mapapanagot ang may pagkakasala
Sa sama-samang pagkilos na kuyom ang kamao

Rebolusyonaryong kilusan tanging tutugon sa paniningil
Sa mga sundalo’t pulis na sa buhay nila’y kumitil
Rebolusyonaryong hustisya igagawad para makamit katarungan
Na tutubos sa karumal-dumal nilang kasalanan
Doon magaganap ang tunay na hustisya na matagal nang pinapangarap.

 

Malayang Bukirin
Mula sa Pulang Bandila-Eduardo Dagli Command BHB-Batangas

Hustisya