“Di konstitusyunal” ang hakbangin ni Ferdinand Marcos Jr na sertipikahang “urgent” ang panukalang Maharlika Investment Fund, ayon kina Atty. Neri Colmenares ng Bayan Muna at Sen. Koko Pimentel. Sa gayon, hindi dapat sundin ng mga senador ang atas ni Marcos na ipasa ito bago magsara ang regular na sesyon ng Senado. Ayon kay Atty. Colmenares, […]
Naghapag ng notice of strike (NoS) ang mga manggagawa ng Paperland Inc noong Mayo 26 matapos ma-deadlock ang negosasyon para sa collective bargaining agreement nito para sa taong 2022-2025. Nagpasyang magwelga ang mga manggagawa matapos tanggihan ng maneydsment ang lahat ng hinihinging dagdag na probisyon sa ekonomya at pulitika sa binubuong CBA. Panawagan ng mga […]
Nagpiket noong Mayo 24 sa harap ng Ungka Flyover sa Barangay Pavia, Iloilo ang iba’t ibang progresibong grupo sa pangunguna ng Bayan-Panay kasama ang mga manggagawa, sektor ng transportasyon, mga taong simbahan, at mga propesyunal upang ipanawagan ang imbestigasyon at pagpapanagot sa likod ng palpak at maanomalyang konstruksyon ng kalsada. Mahigit dalawang buwan lamang nagamit […]
Nakalaya noong Biyernes, Mayo 26, ang magkapatid na Lumad na sina Ismael Pangadas at Mawing Pangadas, at ang mga boluntir na guro sa paaralang Lumad na sina Lerna Laiwan Diagone, Jeffrey Diagone at development worker na si Elenita Elmino matapos silang ipawalang-sala sa gawa-gawang kasong human trafficking na isinampa laban sa kanila. Nakulong ang lima […]
Nagmartsa ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Sydney Anti-AUKUS Coalition (SAAC) sa Sydney, Australia noong Mayo 24 para kundenahin ang militaristang koalisyong AUKUS (Australia, United Kingdom, at United States) at Quad (Australia, India, Japan at United States), at ang pag-uudyok ng mga ito ng gera laban sa China. Ang kilos-protesta ay isinagawa matapos magpulong […]
Nakatakdang paspasang pagtibayin sa Senado ang panukala para sa pagbubuo ng Maharlika Investment Fund bago ang pagsasara ng regular na sesyon nito ngayong Mayo. Sa kabila ito ng mariing pagtutol ng maraming sektor sa paggamit ng estado sa bilyun-bilyong pondo ng bayan at pagkonsentra nito sa kamay ni Ferdinand Marcos Jr at kanyang mga kasapakat […]
Nagmartsa sa loob ng Marawi City ang mga bakwit at grupong Maranao sa ika-6 na taong anibersaryo ng pananalakay ng AFP sa syudad noong Mayo 23. Isinagawa nila ang “Solemn Walk for Justice and Peace” para patuloy na igiit ang hustisya at pagbabalik nila sa kanilang syudad. Panawagan nila ang kambalingan (homecoming) na ligtas at […]
Nagpiket sa harap ng Provincial Environment Management Office (PEMO) sa Bacolod City ang mga magsasaka ng Silay City noong Mayo 19 para ipanawagan ang pagpapahinto sa mga operasyong kwari na nangyayari sa kanilang syudad. Ayon sa mga magsasakang kinatawan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Negros, wala pa ring aksyon ang lokal na gubyerno sa mapaminsalang operasyong […]
Ipinatawag at ginipit ng mga sundalo ng 80th IB noong Biyernes, Mayo 26, ang lahat ng residente ng Sitio, Ligtas, Barangay San Rafael, Montalban, Rizal na nakatanggap ng ayuda mula sa grupong Serve the People Corps (STPC) at Karapatan-Rizal noong Mayo 22. Sa pulong, tinakot at binantaan nila ang lahat ng tumanggap ng tulong. Pinagbintangan […]
Nagtipun-tipon sa Bacolod City noong Mayo 24 ang hindi bababa sa 20 organisasyon ng iba’t ibang sektor para buuin ang isang koalisyon laban sa pribatisasyon ng Central Negros Electric Cooperative, Inc. (CENECO). Pinirmahan ng mga ito ang isang manipesto na tumututol sa Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng CENECO at Ignite Power and Energy […]