Archive of AB Dailies

Teroristang bansag ng EU sa partido komunista sa Kurdistan, ipinatatanggal
September 19, 2022

Isang internasyunal na kampanya ang isinusulong ngayon para tanggalin ang Kurdistan Workers’ Party (PKK) sa listahan ng European Union ng mga “teroristang organisasyon.” Ang paninindigang ito ang nilalaman ng isang pahayag na pirmado na ng mahigit 6,000 personalidad, na nagkakaisa na ang gayong hakbangin ay alinsunod sa interes ng kapayapaan, demokrasya at karapatang-tao. Suportado ng […]

Hatol laban sa organisador ng mangggagawa, ibinasura
September 18, 2022

Sa desisyong inilabas noong Huwebes, binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang hatol na maysala ng dalawang Regional Trial Court (RTC) ng San Mateo, Rizal laban sa organisador ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na si Marklen Maojo Maga. Ipinawalang-saysay nito ang hatol ng RTC na ikulong si Maga nang walo hanggang 14 na taon sa […]

Mga sektor sa Pisay, tutol sa kasunduan sa RTF-Elcac sa West Visayas
September 18, 2022

Nagpahayag ng nagkakaisang pagtutol ang mga mag-aaral, guro, istap, alumni at mga organisasyon ng iba’t ibang kampus ng Philippine Science High School (PSHS o Pisay) sa binuong kasunduan ng PSHS-Western Visayas Campus (WVC) at ng Regional Task Force-Elcac Region 6 para itatag diumano ang mga “zone of peace” sa mga paaralan. Naniniwala silang bibigyang-daan nito […]

NPA-Agusan del Sur, matagumpay na kinontra ang atake ng AFP
September 18, 2022

Ginulantang ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Sur ang umaatakeng pwersa ng pinagkumbinang tropa ng 26th IB, 41st DRC at Special Forces sa mabundok na bahagi ng Barangay Moretola, San Luis, Agusan del Sur noong Setyembre 14. Isa ang napaslang at tatlo ang nasugatan sa mga pasistang sundalo. Tatlong araw nang […]

5 tagapagtanggol ng karapatang-tao, ipinawalang-sala sa gawa-gawang kaso
September 17, 2022

NOT GUILTY’ o walang sala ang hatol ng 8th Municipal Circuit Trial Court sa Galimuyod, Ilocos Sur sa desisyon kahapon laban sa limang kababaihang tagapagtaguyod ng karapatang-tao. Isinampa ang mga kasong bigong homicide ng 81st IB noong Enero 26, 2018 laban kina Sarah Abellon-Alikes, Sherry Mae Soledad, Joanne Villanueva, Rachel Mariano at Asia Isabella Gepte. […]

Kampanya para sa pagpaplaya ng kababaihang bilanggong pulitikal, muling inilunsad
September 17, 2022

Muling inlunsad ng mga grupong kababaihan na Gabriela, Gabriela Youth at Gabriela Women’s Party ang kampanyang ‘Free Our Sisters, Free Ourselves’ kahapon para igiit ang kagyat na pagpapalaya sa lahat ng mga kababaihang bilanggong pulitikal. Kabilang sa mga iginiit na kaagad palayain ay sina Adora Faye de Vera, Atheliana Hijos, Tes Pielago na pawang may […]

Pagdukot ng estado kay James Balao, ginunita
September 17, 2022

Ginunita ng mga aktibista noong Setyembre 16 sa Sunshine Park, Baguio City ang ika-14 taong pagdukot kay James Balao, isang aktibista at tagapagtaguyod ng karapatan ng katutubo. Nagsindi sila ng kandila at inalala ang buhay ni Balao, kasabay ang panawagan na ilitaw ang lahat ng desaparesido. Dinukot si Balao ng mga armadong kalalakihang nagpakilalang mga […]

Alyansa kontra reklamasyon sa Bacolod city, inilunsad
September 16, 2022

Mahigit 80 purok, lider komunidad, taong simbahan at tagapagtaguyod ng karapatang-tao ang nagkaisa upang ilunsad ang Banago Against Reclamation Movement noong Setyembre 10 sa Nuestra Señora de Salvacion Parish sa Barangay Banago, Bacolod City. Ayon sa planong reklamasyon sa Barangay Banago, 274 ektarya ang sasaklawin ng Bacolod Reclamation Gateway Corporation na pagmamay-ari ng konsehal ng […]

Proyektong dam sumisira ng pagkakaisa at kalikasan
September 16, 2022

Naglunsad ng dayalogo ang mga upisyal ng National Commission of Indigenous Peoples at mga katutubong Isnag sa Quezon City noong Setyembre 13 upang pag-usapan ang mga hinaing ng katutubo laban sa nakaambang konstruksyon ng Gened 2 sa Apayao-Abulog River. Inalmahan ng mga Isnag ang pagratsada ng NCIP sa pagproseso ng free, prior and informed consent […]

Presyo ng palay, sumadsad sa ₱13
September 15, 2022

Dumadaing ang masang magsasaka sa harap ng pagsadsad ng presyo ng pagbili ng palay ngayon pa namang nagsimula na ang anihan. Sa Nueva Ecija, isa sa pinakamalaking palayan sa bansa, nasa ₱13 kada kilo ang presyo ng palay. Ito ang ibinunyag ng grupong kababaihang magsasaka na Amihan. Sa Cagayan, umaabot lamang sa ₱15 kada kilo […]