Balita

Alimodias 8, mga bayani ng Panay

,

Pinarangalan ng rebolusyonaryong kilusan sa Panay ang walong Pulang mandirigma na napatay sa pambobomba ng Philippine Airforce sa Barangay Alimodias, Miag-ao, Iloilo noong Disyembre 1. Nasa lugar ang kanilang yunit para magbigay ng serbisyo at pagkaisahin ang mga magsasaka laban sa kagutuman.

“Sa paglilingkod nila sa sambayanan, naabot nila ang buhay ng libu-libo sa kanayunan at ang kanilang alaala ay habampanahong nakaukit sa bantayog ng mga bayani at martir ng rebolusyon,” ayon kay Ka Concha Araneta, tagapagsalita ng National Democratic Front-Panay.

Batid ng mamamayan na ang layunin ng mga pambobomba ay para takutin at sindakin ang mga sibilyang komunidad. Marami sa mga magsasaka ang hindi makapagbukid o makapagpastol ng kanilang mga alagang hayop, ang mga bata ay hindi komportableng makapaglaro at labis na troma ang idinulot sa mga taumbaryo.

AB: Alimodias 8, mga bayani ng Panay