Balita
Bigas, pinakabilis tumaas ang presyo noong Disyembre
Sa gitna ng ipinagmamalaki ng rehimeng Marcos na “bumagal” ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2023, lalupang sumirit ang presyo ng bigas.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas tungong 19.6% ang tantos ng implasyon ng bigas (rice inflation) sa katapusan ng 2023, pinakamataas mula 2009. Mas mataas ito nang 3.7% kumpara sa Nobyembre 2023.
Sa 2023, umabot sa ₱9 ang abereyds na itinaas ng presyo ng lahat ng klaseng bigas, o 39.63% sa buong taon. Pinakamataas ang pagtaas ng presyo ng well-milled rice sa 22.4% o ₱10 kada kilo.
Ayon sa mga upisyal ng estado, tinatayang tuluy-tuloy na tataas ang presyo ng bigas sa 2024.
AB: Bigas, pinakabilis tumaas ang presyo noong Disyembre