Walang dumating na baboy at kalabaw na ipinangako ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng National Task Force-Elcac sa mga magsasaka at katutubong minorya sa mga barangay ng Abra. Ayon sa mga residente, ni biik wala silang natanggap. Ang mga pangakong ito ay bahagi ng “suportang agrikultural” na may pondo mula sa Support […]
Hindi pag-unlad ang dulot ng Barangay Development Program. Nagngingitngit ang mamamayan sa mga napapakong pangako ng NTF-ELCAC sa iba-ibang barangay ng Abra: Nangako silang mamimigay ng aalagaang baboy. Nagpahanda sila ng kulungan para dito. Nagiba na lamang ang mga kulungan dahil di naman dumating ang ipinangako. Namigay naman sila ng feeds (pakain) para sa baboy […]
Itinutulak ng imperyalistang institusyong Asian Development Bank (ADB) na mangutang ang Pilipinas nang hanggang $20 bilyon (₱1.1 trilyon sa palitang ₱55=$1) sa susunod na limang taon para sa mga mapangwasak at anti-mamamayang proyektong pang-imprastruktura ng rehimeng Marcos. Ipipinal ng ADB ang mga proyektong popondohan nito sa 2024, oras na mabuo ang 5-taong “country partnership strategy” […]
Lalong pinahigpit ni Ferdinand Marcos Jr ang personal niyang pagkontrol sa ₱50-bilyong Maharlika Investment Fund sa pamamagitan ng bagong bersyon ng mga alituntunin nito na inilabas noong Nobyembre 12. Maaalalang pansamantalang “isinuspinde” ang pagbubuo ng MIF noong Oktubre 12 matapos di nasiyahan si Marcos sa unang bersyon ng implementing rules and regulations (IRR) nito. Sa […]
Bumaba ang tantos ng implasyon tungong 4.9% noong Oktubre, kumpara sa 6.1% noong Setyembre. Gayunpaman, wala itong epekto sa sahod ng mga manggagawa na nananatiling mas mababa sa pamantayan ng kahirapan (poverty line) dulot pambabarat ng kapitalista at pagtanggi ng reaksyunaryong estado na dagdagan ito ng makabuluhang halaga. Nananatiling mataas ang presyo ng pagkain, sa […]
Umaabot sa 2.3 milyong trabaho ang naitalang nawala noong Setyembre, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon, Nobyembre 8. Pinakamarami ang nalagas sa sektor ng pagmamanupaktura (888,000) kasunod sa wholesale at retail trade (722,000) at agrikultura at pangisda (649,000). Dagdag sa mga nawalang trabaho ang 358,000 na inilaglag sa pwersa […]
Sa gitna ng halos lingguhang pagtaas ng presyo ng langis, tumabo ang kumpanyang Petron Philippines ng ₱9.5 bilyon sa unang siyam na buwan pa lamang ng taon. Mas mataas ito nang 16% kumpara sa kita ng kumpanya noong nakaraang taon. Sinusuplay ng Petron ang sangkatlo ng pangkabuuang pangangailangan ng produktong petrolyo ng bansa at 78% […]
Walong panukala ang itinutulak ng mga upisyal sa ekonomya ng rehimeng Marcos para makalikom ang reaksyunaryong estado ng dagdag na kita sa susunod na limang taon. Anim dito ay dagdag na buwis, kung saan apat ay direktang tatama sa mamamayan. Dalawa ang ipapataw sa pagkain at inumin—sa matamis na inumin at junk food (tsitsirya), at […]
Tunay ngang pulubi ang pagtingin ni Marcos Jr sa bawat pamilyang nagugutom sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ito ay kasunod ng inilabas nitong Executive Order no. 44 o ang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” na kung saan ay ipinagmalaki pa ng adiministrasyon nito na isa umano sa mga mayor na programa ng gobyerno para […]
Pinuna ng tagapangulo ng Bayan Muna na si Neri Colmenares ang Globe Telecom sa planong magpataw ng multa sa mga post paid na subscriber na maaantala sa pagbabayad. Ito ay sa kabila ng pagkamal ng kumpanya ng bilyun-bilyong kita noong nakaraang taon. Inianunsyo ng kumpanya na simula Disyembre, maniningil na ito ng ₱50 multa sa […]