Balita

Dalawang lider magsasaka, inaresto sa Sorsogon

,

Dinakip sina Percival Dellomas at Darwin Guelas, mga lider magsasaka sa Sorsogon, sa isang tsekpoynt ng Philippine National Police sa hangganan ng prubinsya ng Sorsogon at Albay noong Mayo 28.

Si Dellomas ay lider ng Samahang Magbubukid sa Sorsogon (SAMASOR) haban si Guelas ay bahagi ng rehiyunal na konseho ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas – Bikol.

Sila rin ay mga kampanyador ng Anakpawis Partylist noong nakaraang eleksyon at naging target ng red-tagging ng mga elemento ng estado.

Kinasuhan si Dellomas ng Anti-Terror Act of 2021 habang si Guelas ay sinampahan ng gawa-gawang kasong pagpaslang.

Kasalukuyan silang nakadetine sa Castilla Municipal Police Station.

Samantala, hindi bababa sa 37 pamilya ang sapilitang lumikas matapos umano magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan at mga berdugong tropa ng Armed Forces of the Philippines sa Sityo Likew, Barangay Namal, Asipulo, Ifugao noong Mayo 23. Mayorya sa kanila ang nagbakwit sa Namal Elementary School noong Mayo 24.

AB: Dalawang lider magsasaka, inaresto sa Sorsogon