Maralitang magsasaka, dinampot ng 10th ID sa Valencia City

,

Walang mandamyento at iligal na inaresto ng hindi nakaunipormeng tauhan ng 10th ID ang maralitang magsasaka at drayber ng habal-habal na si Danilo Antumikay kahapon, mismong araw ng Internasyunal na Araw ng Karapatang-tao, ng ala-1 ng hapon.

Dinampot si Antumikay sa Barangay Tugaya, Valencia City. Sa takot na may mangyari kay Antumikay, sumama sa kanya ang asawa at kanilang 2-taong gulang na anak.

Si Antumikay ay residente ng Sityo Calot, Santa Filomena, Quezon, Bukidnon ngunit napilitang pansamantalang tumuloy sa kanyang manugang sa Valencia City matapos sindakin ng mga sundalo sa kanilang barangay. Pinararatangan siyang tagapagkarga at nagbabyahe ng suplay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Ayon sa paunang ulat, dadalhin ang mag-anak sa isang command post ng 3rd IB sa Barangay Salawagan, Quezon.

Ang pagdampot sa mag-anak ay labag sa internasyunal na makataong batas na nagbibigay proteksyon sa mga sibilyan sa gitna ng mga armadong tunggalian.

AB: Maralitang magsasaka, dinampot ng 10th ID sa Valencia City