Archive of Peasants

Hustisya, tunay na reporma sa lupa, sigaw ng magsasaka
January 26, 2023

Nagmartsa ang mga grupo ng magsasaka sa pamumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), kasama ang iba pang demokratikong grupo tungong Mendiola sa Maynila noong Enero 22 para gunitain ang ika-36 anibersaryo ng Mendiola Massacre. Kasunod ito ng isang porum kaugnay ng pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa na inilunsad rin sa Manila. […]

Magsasakang Palaweño, ipaglaban ang lupa at pangangalaga sa kalikasan!
January 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Sa paggunita sa ika-36 taon ng masaker sa mapayapang pagkilos ng mga magsasaka sa Mendiola, at sa gitna ng pagkawasak ng malalawak na taniman sa timog Palawan, dapat magbigkis ang mga magsasakang Palaweño para labanan ang lahat ng proyektong nangwawasak sa kanilang kabuhayan at kapaligiran. Hindi pa ganap na nakakabawi sa pinsala ng bagyong Odette […]

Paggunita sa ika-36 taon ng Mendiola Massacre: Lupa at hustisya, kamtin sa digmang bayan
January 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ginugunita ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang ika-36 taon ng Mendiola Massacre na kumitil sa buhay ng 13 magsasakang nakibaka para sa karapatan sa lupa at iba pang serbisyong panlipunan. Kaisa ng magsasaka at sambayanang Pilipino ang NDFP-ST sa kanilang laban para sa lupa at kamtin ang hustisya sa mga biktima ng Mendiola […]

Masaker sa Mendiola, 36 taong walang Hustisya!
January 22, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Albay (Santos Binamera Command) | Florante Orobia | Spokesperson |

Nakikiisa ang Santos Binamera Command – Bagong Hukbong Bayan – Albay sa sambayanang Pilipino sa paggunita sa ika-36 na taong anibersaryo ng Mendiola Massacre ngayong ika-22 ng Enero 2023. Sa loob ng mahigit tatlong dekada, walang hustisyang nakamit ang mga magsasakang pinatay ng estado sa panahon ng rehimeng US – Aquino. Pinagpupugayan ng SBC-BHB-Albay ang […]

Pakikiisa sa masang magsasaka sa anibersaryo ng Mendiola Massacre
January 22, 2023 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Nakikiisa ang buong Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa masang magsasaka sa paggunita ng ika-36 na taong anibersaryo ng Mendiola Massacre. Muli natin sariwain sa ating alaala ang 13 biktima ng pamamaril ng mga pasistang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa ilampung libong magsasakang nagmamartsa noon […]

Mga magsasaka sa Isabela, pinagbabaril ng armadong maton ng Golden Summit Mining Corp.
January 18, 2023

Pinaputukan ng mga armadong maton ng Golden Summit Mining Corp. (GSMC) ang mga magsasakang nagtatanim ng gulay sa gilid ng Bundok Tappaw sa Anonang, Cordon, Isabela noong Enero 11. Pangatlong kaso na ito ng pandarahas sa kanila. Ang GSMC ay isang kumpanyang mina na umagaw sa 100-ektaryang lupa sa Bundok Tappaw sa ilalim ng di […]

Marcos, palpak sa paglutas sa krisis sa pagkain
January 16, 2023

Nagprotesta ngayong araw sa harap ng upisina ng Department of Agriculture ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, kasama ang iba pang demokratikong organisasyon, para igiit ang kagyat na pagpapababa sa presyo ng pagkain, pagpapatigil sa patakaran ng importasyon, pagpapalakas sa lokal na produksyon at pagbuwag sa mga kartel. Nanawagan sila na ibasura ang mga neoliberal na […]

‘Department of Angkat’, importasyon ng sibuyas, binatikos
January 12, 2023

Binatikos kahapon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang desisyon ng Department of Agriculture (DA) at rehimeng Marcos na mag-angkat ng 21,000 metriko toneladang sibuyas. Ayon sa kanila, nakapipinsala ang ganitong hakbang sa mga magsasaka sa bansa. Binansagan nila ang ahensya bilang “Department of Angkat.” “Pinili ng DA na bitawan ang interes ng mga magsasaka […]

Walang engkwentro: Magsasaka, sadyang pinatay ng 94th IB sa Himamaylan City
January 11, 2023

Wala pang dalawang linggo nang magsimula ang taon, muli na namang ipinamalas ng 94th IB ang bangis nito laban sa masang magsasaka. Pinaslang ng mga sundalo ng 94th IB ang 49-anyos na magsasakang si Jose Gonzalez sa Purok Maliko-liko, Sityo Cunalom, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental noong Enero 9. Ang karumal-dumal na krimen ay […]

Atrasadong lokal na agrikultura ang salarin sa pagtaas ng presyo ng pagkain
January 05, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hindi pa hinihiwa ang sibuyas, mapaluluha ka na sa mahal ng presyo – iyan ang masakit na katotohanang binabalikat ngayon ng sambayanang Pilipino. Nitong mga nakaraang buwan hanggang kasalukuyan, pumapalo ng P600 hanggang P720 ang presyo ng isang kilo ng sibuyas sa mga lokal na merkado sa Bikol at buong Pilipinas. Hindi ito ang unang […]