Mga karapatan ng nadakip na sugatang mandirigma ng BHB-Kalinga, iginiit na kilalanin

Ang artikulong ito ay may salin sa English

Iginiit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Kalinga (Lejo Cawilan Command) sa 503rd IBde na kilalanin ang mga karapatan ni Gap-iden Bawit (Ka Simple), sugatang Pulang mandirigma na nadakip sa Barangay Balantoy, Balbalan, Kalinga noong Hunyo 6.

“Dapat respetuhin ang kanyang karapatan bilang hors de combat,” pahayag ni Ka Tipon Tipon Gil-ayab, tagapagsalita ng hukbong bayan sa prubinsya.

Pinasinungalingan ng hukbong bayan ang pahayag ng 54th IB, yunit sa ilalim ng 503rd IBde, na “basta na lamang iniwan” ng BHB si Bawit. Anang yunit, ginamot siya ng mga medik ng hukbong bayan matapos ang engkwentro at ihinabilin sa komunidad para madala sa ospital.

Sinampahan ng mga kasong tangka at bigong pagpaslang si Bawit ng mga sundalo.

Nauna namang iginiit ng Cordillera Human Rights Alliance (CHRA) na dapat sundin ng 54th IB ang nakasaad sa internasyunal na makataong batas hinggil sa mga bihag ng digma. Binigyang diin ng grupo ang pagbibigay ng makataong pagtrato at patas na paglilitis kay Bawit.

AB: Mga karapatan ng nadakip na sugatang mandirigma ng BHB-Kalinga, iginiit na kilalanin