Pagbibitiw ni Duterte bilang DepEd secretary, ikinalugod ng mga guro

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Malugod na tinanggap ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education ngayong araw, Hunyo 19. Nagbitiw din si Duterte bilang vice chairperson ng NTF-Elcac. Anang grupo, isa siyang “tinik” na natanggal sa kanilang lalamunan.

“Sa wakas ay nagresign na din sa DepEd si VP Sara, sana ay mas maaga niya ito ginawa para makapaglagay ng isang kalihim ng DepEd na galing talaga sa sektor ng edukasyon at alam ang kanyang ginagawa. Nasayang ang mahugit dalawang taon para ayusin agad ang education crisis sa bansa at benepisyo at sahod ng mga guro at education support personnel,” ayon kay Rep. France Castro ng ACT Teachers Partylist.

Umaasa ang ACT na mabubuwag na rin ang NTF-Elcac na walang iba kundi instrumento ng estado para sa paglabag sa karapatang-tao ng mamamayan.

Batid ng mga guro na ang pagbibitiw ni Duterte sa gabinete ni Marcos ay bahagi ng papatinding girian sa pagitan ng dalawang kampo. Umaasa silang ang susunod na itatalaga sa kagawaran ay tunay na magsisilbi sa sektor ng edukasyon.

AB: Pagbibitiw ni Duterte bilang DepEd secretary, ikinalugod ng mga guro