Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mabuhay ang Workers’ Party of Korea!—NDFP
October 10, 2021

Binati ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang Workers’ Party of Korea (WPK) sa ika-76 taong anibersaryo nito ngayong araw, Oktubre 10. Sa pahayag na inilabas ng National Executive Council, ipinaabot ng NDFP ang pakikiisa nito sa uring manggagawa at mamamayan ng North Korea. Ipinahayag nito ang “malalim na pagrespeto at paghanga” ng […]

Moreno, pinutakti ng batikos sa kanyang pagmamaliit sa paglaban sa mga Marcos
October 09, 2021

Pinutakti ng batikos si Isko Moreno, kandidato pagkapresidente, matapos niyang maliitin ang pakikibaka laban sa panunumbalik ng mga Marcos sa Malacanang bilang “labanan sa pagitan ng dalawang pamilya.” Ginawa ni Moreno ang pagmamaliit nang sagutin niya ang pahayag ni Leni Robredo, kalaban niya sa pulitika, na nagsabing isa sa mga nagtulak sa kanya na tumakbo […]

Sa ulat ng Nikkei Asia, Pilipinas, kulelat na naman
October 09, 2021

Sa pangatlong pagkakataon ngayong buwan, kulelat na naman ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang niranggo ayon sa husay ng pagtugon sa pandemya. Ayon sa pananaliksik ng Nikkei, isang kilalang pahayagan pangnegosyo na nakabase sa Japan, ang Pilipinas ay nasa dulo o pinakahuli sa sinusubaybayan nitong 121 bansa. Inilabas ng pahayagan ang pagkukumpara noong Oktubre […]

Cordillera, lugi sa pagbaha ng kontrabandong gulay
October 09, 2021

Doble ang pagkalugi ng mga magsasaka ng gulay sa Cordillera dahil sa ismagling ng gulay sa bansa. Ito ay ayon sa Alyansa dagiti Pesante iti Taéng Kordilyera (Apit Tako), panrehiyong balangay ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa Cordillera. Dagdag pahirap ito sa mahina na nilang kita dulot ng mga pagbabawal at paghihigpit na ipinataw sa […]

Gubyernong Duterte, "walang alam, walang hiya at sugapa"—mga duktor
October 09, 2021

Muling nagpahayag ng labis-labis na galit ang mga duktor sa inutil, manhid at batbat ng korapsyon na tugon ng rehimeng Duterte sa pandemyang Covid-19. Sa isang pahayag na inilabas noong Oktubre 8, sinabi nilang kailangan ng overhaul o sistematikong pagbabago ang sistemang pangkalusugan ng bansa. Anila, kailangan paglaanan ng estado ng malaking pondo at lagyan […]

Paghahain ng kandidatura, tapos na nga ba?
October 09, 2021

Tapos na ang paghahain ng mga papeles para sa pagkakandidato pero animo’y hindi pa pinal kung sino ang pipiliin ni Rodrigo Duterte na kumatawan sa kanyang pangkatin. Sa huling araw ng paghahain, ginawa pang katatawanan ng pangkating ito ang proseso nang biglang sumulpot si Sen. Roland de la Rosa bilang kandidato pagkapresidente ng PDP-Laban, ang […]

ICC, nanumpang uungkatin ang katotohanan sa “gera kontra-droga” ni Duterte
October 08, 2021

Nangako si Karim Khan, punong prosekyutor ng International Criminal Court na uungkatin ang katotohanan sa “gera kontra-droga” ni Rodrigo Duterte sa harap ng pagtanggi ng mga upisyal ng rehimen na makipagtulungan sa internasyunal na korte. Sa pahayag ni Khan noong Oktubre 7, sinabi niyang layunin ng kanyang imbestigasyon na ungkatin ang katotohanan at tiyaking may mananagot sa […]

Mayroon nang mga eskwelahan sa 96% ng mga baryong target “tayuan” ng NTF-ELCAC
October 08, 2021

Hindi lamang sinasapawan ng ational Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Department of Education (DepEd), ginagamit din nito ang programa ng kagawaran para makakurakot ng bilyun-bilyong pondo. Napag-alaman sa pagdinig sa Senado noong Oktubre 6 na 96% o 789 as 822 sinasabi ng task force na “tatayuan” ng mga eskwelahan ay meron […]

Mga magniniyog sa Quezon, "pinasuko" ng AFP
October 07, 2021

Umabot sa 282 magniniyog at magsasaka sa Quezon ang sapilitang pinasuko ng 201st IBde bilang mga “tagasuporta” at “kasapi” ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at ng rebolusyonaryong kilusan noong buwan ng Setyembre. Ayon sa National Democratic Front (NDF)-Southern Tagalog, nagmula ang mga magniniyog sa limang barangay ng Lopez at mga samahang magniniyog sa Macalelon. Ayon […]

Duterte, hinamong patunayan na wala siyang tagong yaman
October 07, 2021

Hinamon ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate si Rodrigo Duterte at mga myembro ng kanyang gabinete na ilabas ang kani-kanilang statement of assets, liabilities and net worth o SALN para patunayan na wala silang tinatagong yaman. Ayon kay Zarate, liban sa pagsasapubliko ng SALN, dapat ibukas ng mga upisyal ng rehimen ang kani-kanilang mga bank […]