Raling iglap, inilunsad ng Kabataang Makabayan sa Maynila

,

“Sagot sa kahirapan, digmang bayan!” Ito ang sigaw ng ilampung kabataang kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) na naglunsad ng raling iglap kahapon sa Recto Avenue, Manila. Idinaos ang rali ilang araw bago ang ika-58 anibersaryo ng KM ngayong Nobyembre 30.

Nagmartsa ang mga kabataan mula Rizal Avenue tungong Recto Avenue at doon naglunsad ng maiksing programa. Nag-iwan sila ng isang malaking istrimer na may mga katagang “Mabuhay ang CPP-NPA-NDF! Kabataan, tumungo sa kanayunan! Sumapi sa New People’s Army!”

Giit nila, walang tunay na pagbababagong mangyayari sa Pilipinas higit lalo sa ilalim ng paghahari ng pamilyang Marcos. Tanging sa pagsusulong lamang umano ng demokratikong rebolusyong bayan makakamtan ang pagbabago sa ating bayan.

Sigaw ng mga rebolusyonaryong kabataan, dagdag sahod para sa mga manggagawa, pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, pagbuwag sa NTF-ELCAC, at iba pa.

Inilunsad ang rali sa harap ng umiigting na panggigipit at pasistang paninibagsib ng estado sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayang Pilipino.

Ang KM ay itinatag noong Nobyembre 30, 1964.

AB: Raling iglap, inilunsad ng Kabataang Makabayan sa Maynila