Hindi matatawaran ang dakilang ambag ng kababaihan sa pagsusulong ng kilusang mapagpalaya at rebolusyonaryong pakikibaka sa Pilipinas. Mula pa sa panahon ng kolonyalistang Espanyol, pananakop ng Amerikano at Japan, sa ilalim ng pasistang diktadurang Marcos, at hanggang ngayon, hindi nila binitiwan ang lilang bandila para itaguyod ang kagaligan ng kababaihan at ng inang bayan. Binalikat […]
Pitong residente ng Sityo Balubad sa Barangay Anunas, Angeles City sa Pampanga ang nasugatan noong Marso 12 sa walang-patumanggang pamamaril ng mga pulis. Nagsilbing pwersang panseguridad ang mga pulis sa demolition team ng Clark Hills Properties Corporation na sumugod sa sityo para buwagin ang barikada ng mga residente. Bumilang ng 500 ang pinagsanib na pwersa […]
Nagmartsa noong araw ng Kababaihan, Marso 8, ang mga grupo ng kababaihan sa pangunguna ng Gabriela, at iba’t ibang demokratikong organisasyon, para ipahayag ang kanilang pagtutol sa charter change (chacha) ng rehimeng Marcos, at ang panawagan para sa karapatan, kabuhayan at kasarinlan. Nagmartsa sila mula sa España Avenue patungo sana sa Mendiola ngunit hinarang ng […]
Click here to download.
Panibagong serye ng tanggalan sa Nexperia. Kinundena ng Nexperia Workers Philippines Inc. Workers Union (NWPIWU)-NAFLU-KMU ang panibagong serye ng tanggalan na ipatutupad ng Nexperia Philippines mula Abril hanggang Setyembre. Ipinabatid ng kumpanya sa unyon noong Marso 4 na magkakaroon ng halos dalawang linggong shutdown sa isang erya nito at magtatanggal ng 53 manggagawa. Banta […]
Pagpasa ng RBH7 sa Kongreso, tinutulan. Nagprotesta sa harap ng Kongreso ang mga demokratikong organisasyon sa isang People’s Rally noong Marso 20 para tutulan ang pagratsada ng RBH7, ang panukalang nagtutulak para sa charter change (chacha). Matapos lamang ng ilang oras sa araw na iyon, ipinasa ng Kongreso ang panukala sa botong 288 na […]
Umabot na sa ₱78.45 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng tagtuyot sa Negros Occidental at bahagi ng Western Visayas, rehiyong pinakasinasalanta ngayon ng El Niño. Labing-isa (tatlong syudad at walong bayan) sa kabuuang 32 munisipalidad nito ang pinakaapektado ng tagtuyot. Libu-libong pamilya ang dumaranas ngayon ng kagutuman at kasalatan […]
Inianunsyo nitong Marso ng tatlong malalaking burgesya-kumprador ang kanilang “pagsasanib” para sa operasyon ng Ilijan LNG terminal, ang kauna-unahang “integrated LNG import facility” na itinayo ng Atlantic Gulf & Pacific Company (AG&P) sa baybay ng Barangay Ilijan, Batangas City. Nagsama-sama ang Meralco PowerGen, Aboitiz Power at San Miguel Global Power (SMGP) para bilhin ang naturang […]
Sinabayan ng protesta ang pagdating ni Anthony Blinken, kalihim ng Department of State ng US, sa Malacañang noong Marso 19. Nasa bansa si Blinken para pulungin si Ferdinand Marcos Jr at ang AFP sa paparating na Balikatan wargames at para muling itulak ang Indo-Pacific Security Strategy, ang estratehiya ng US para panatilihin ang hegemonya nito […]