Mayaman sa karanasan ng pagbibigay ng serbisyong medikal ang mga mandirigmang medik ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Dahil nahaharap sa lahat ng klaseng sitwasyon, nagagamay ng mga medik ng Hukbo, na karamihan ay mula sa masang magsasaka, ang pag-agapay sa iba-ibang tipo ng pang-emerhensyang medikal. Isang halimbawa ang kaso ni Ison, 9-taong gulang na batang […]
Mistulang kwitis ang pinakahuling pagsibad ng presyo ng mga produktong petrolyo noong Marso 15. Umaabot sa ₱13.15 ang idinagdag sa kada litro ng diesel, ₱7.10 sa gasolina at ₱10.50 sa gaas. Ito ang ika-12 at pinakamalaking patong sa presyo simula 2022. Dahil dito, umabot na sa halos ₱31 ang kabuuang taas-presyo ng mga produktong petrolyo […]
Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Surigao del Sur ang mga sundalo ng 75th IB na lulan ng habal-habal habang bumibyahe sa Purok 2, Barangay Bolhoon, San Miguel noong Marso 14. Nasamsam mula sa kanila ang isang ripleng R4 habang napaslang ang isang sundalo. Pauwi ang mga sundalo mula sa operasyong kombat sa kalapit na mga […]
Muling iginiit ng mga manggagawa ang pag-iinstitusyunalisa sa pambansang minimum na sahod na ₱750 kada araw sa harap ng nagtaasang presyo ng batayang bilihin at singil sa serbisyo. Ayon sa Ibon Foundation, lalupang lumayo sa kasalukuyang minimum ang nakabubuhay na sahod. Sa kwenta ng grupo, kailangan ng isang pamilyang may limang myembro nang ₱1,072 kada […]
Barikada ng taumbaryo sa Negros. Pinalibutan ng mga residente ng Sityo Cabiti, Barangay Santol, Binalbagan ang bahay ng kababaryo nilang si Lucia Sales noong madaling araw ng Marso 20 para ipagtanggol siya laban sa sumasalakay na sundalo at pulis. Si Sales ay tinarget ng mga pwersa ng estsado dahil kasapi ng Asosasyon para sa Kauswagan […]
Tatlong konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang iligal na inaresto ng mga pwersa ng militar nitong nakaraang dalawang linggo. Dalawa sa kanila ang hindi pa inililitaw. Samantala, dalawang lider masa na sangkot sa kampanyang elektoral ang magkasunod na tinangkang patayin at 13 sibilyang Lumad ang iligal na ikinulong. Dinukot ng mga […]
Inilunsad ng Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) ang kampanya para sa pagwawakas sa walang-patumangga at labis na nakasisindak na mga aerial bombing sa mga sibilyang komunidad sa Pilipinas. Naitala na ang higit sa 200 kaso ng mga aerial bombing at panganganyon ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim […]
Mariing tinututulan ng mamamayan ng South Cotabato ang hakbang ng lokal na gubyerno na amyendahan ang Environment Code na nagbabawal sa open-pit mining sa prubinsya. Noong Pebrero, dalawang serye ng konsultasyon ang kunwa’y isinagawa ng mga lokal na upisyal para kunin ang upinyon ng mga residente. Ito ay kahit wala namang nagbabago sa mga batayan […]