Purong kasinungalingan at rurok ng kahibangan ang pahayag ni Defense Undersecretary Cesar Yano noong Abril 14 na ang NTF-ELCAC ang “best thing that happened to the Philippines” o ang pinakamagandang bagay na nangyari sa Pilipinas. Pagbabaliktad ito sa malupit na katotohanan at garapal na pagtatangka na pagtakpan ang umaalingasaw na rekord ng pasistang anti-komunistang task […]
Mariing kinukundena ng buong rebolusyonaryong kilusan lalo na sa Timog Katagalugan ang pagpuri at pagpaparangal ng NTF ELCAC sa mga pasistang kriminal at pinakamalalang lumalabag sa karapatang pantao. Nitong Marso 30, 2022 ay walang kahihiyang pinuri at ipinagtanggol ni Usec. Lorraine Badoy at ng NTF-ELCAC ang dating heneral at kriminal na si Palparan at pinalalabas […]
Buong kasiyahang ipinagdiwang ng mamamayan ng TK at mga yunit ng Melito Glor Command – NPA ST ang ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA nitong Marso 29 habang hinaharap ang hibang na kontra-rebolusyonaryong panunupil ng desperadong rehimeng Duterte. Sa okasyong ito, idineklara ng MGC ang kabiguan ng rehimeng Duterte at AFP-PNP sa pamamagitan ng Southern […]
Nagpupugay ang Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog at ang mamamayan ng rehiyon sa matagumpay na ambus ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC)-NPA Rizal sa mga elemento ng 80th IBPA sa Maugraw, Sitio Quinao, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal kahapon, Marso 26, bandang 7:52 ng umaga. Tinambangan ng isang yunit ng NAAC ang 80th IBPA malapit sa […]
Lantarang ipinahiya ni DILG Secretary Eduardo Año si dating heneral Antonio Parlade Jr. kahapon bunsod ng isinagawang nitong “protesta” sa People Power Monument noong Marso 15 para ipanawagan ang pagtatatag ng isang “revolutionary government”. Ito ay matapos makailang-ulit na inilantad ni Parlade ang korapsyon sa loob ng Commission on Elections kaugnay sa sistema ng pagbabayad […]
Nananawagan ang Melito Glor Command – NPA ST sa mamamayang Mindoreño na magbigkis at paigtingin ang paglaban upang biguin ang pinabangis na kampanyang panunupil sa Mindoro ngayong 2022. Marapat salubungin ng nagliliyab na pakikibaka ang ipinagyayabang na “pinalakas” na AFP-PNP at mga modernong sandata na kasalukuyang naninibasib sa isla. Ngayon patutunayan nating tumpak ang tinuran […]
Sinasaluduhan ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog (MGC NPA-ST) ang lahat ng rebolusyonaryong kababaihan, mga rebolusyonaryong ina at lingkod-bayan ng sambayanang Pilipino. Ang makabagong kababaihan ay nasa prontera ng labanan para puksain ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Kakapit-bisig sila ng malawak na hanay ng mamamayan para pabagsakin ang pasismo’t tiranya ng rehimeng US-Duterte. Pinatutunayan […]
Ligalig at terorismo ang hatid ng pambobomba ng 203rd Brigade sa hangganan ng Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro at Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro ngayong Pebrero 26. Karumaldumal at mala-halimaw ang mga pasista na isinantabi at isinasapanganib ang buhay at ari-arian ng Mindoreño at katutubong Mangyan na nakatira sa lugar para lamang bigyang daan […]
Pinakamataas na pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog kay Kevin “Ka Facio/Lucio” Castro, magiting na Pulang mandirigma at mahusay na Pampulitikang Instruktor ng isang yunit ng Apolonio Mendoza Command-NPA Quezon. Namatay si Ka Facio sa edad na 28 sa isang labanan noong Pebrero 21 sa Brgy. Binibitinan, Polilio, Quezon, bandang 11:20 […]
Hungkag ang pagyayabang ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes na tiwala siyang matatapos ang kanyang termino na “malakas” ang AFP, na isa sa mga ipinangako niya sa panahong nangangampanya noong 2016. Dahil raw ito sa inilaan niyang malaking pondo para sa pagtaaas ng sahod ng mga sundalo at opisyal at pagtitiyak […]