Sa anibersaryo ng makasaysayang EDSA People Power Revolution, marapat ipaalala sa mga sundalo at pulis ang ginampanan nilang papel sa pagpapatalsik sa pasistang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. na labis na nagpahirap sa ating bayan sa loob ng dalawang dekada. Dapat buksan ng mga sundalo at pulis ang kanilang mata sa karahasan ng estado […]
Inaatasan ng MGC ang lahat ng yunit ng NPA sa Timog Katagalugan na paghandaan at labanan ang mas brutal na pang-aatake ng estado sa pangunguna ng mga nagbabalik na berdugong heneral na sina Eduardo Año, Andres Centino at Carlito Galvez. Ang kanilang mga kamay ay tigmak ng dugo ng masang anakpawis, mga aktibista at mamamayang […]
Nakikiisa ang MGC-NPA Southern Tagalog sa panawagan ng bayan na ilabas ang tunay na dahilan sa likod ng pagpatay ng AFP sa negosyanteng Dabawenya na si Yvonnete Chua Plaza. Malaki ang posibilidad na pinaslang ang biktima dahil sa kanyang nalalaman tungkol sa mga krimen ng AFP batay sa mga post ng biktima sa social media […]
Dapat pahigpitin ng mamamayan ang kanilang pagkikipagkaisa sa NPA at higit na palakasin ang armadong pakikibaka sa gitna ng kaguluhan at agawan ng kapangyarihan ng mga pwersang militar at pulis sa pagitan ng paksyong US-Marcos at US-Duterte laban sa mamamayang Pilipino. Sa simula ng taong 2023, nasaksihan ng bayan ang unprecedented na bilis ng palitan […]
Dapat itakwil ng mamamayan ang Department of Justice sa garapalan nitong pagtatakip sa 59th IBPA at pagpapakalat ng kasinungalingan hinggil sa pagkamatay ng 9-taong batang babae na si Kyllene Casao sa Sityo Centro, Brgy. Ginhawa, Taysan, Batangas noong Hulyo 18, 2022. Para isalba ang 59th IBPA, pinalalabas ng DOJ na NPA ang maysala sa krimen. […]
Sa mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), Walang dapat ipagdiwang sa ika-87 taong anibersaryo ng inyong pasistang institusyon na AFP. Ang kasaysayan ng inyong institusyon ay kasaysayan ng pagpapakatuta sa imperyalismo, paggiging bayaran sa pagtatangol ng interes ng mga lokal na naghaharing uring panginoong maylupa (PML) […]
Dapat tutulan at mariing labanan ang papasidhing paggamit ng imperyalismong US sa Pilipinas bilang instrumento ng imperyalistang pandidigma sa Asya-Pasipiko na siyang pahiwatig ng pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan. Ang teroristang adyenda ng US na mang-upat ng gera para isalba ang humihina nitong kapit sa hegemonikong paghahari sa daigdig ay salungat […]
Nagkakalat na naman ng kasinungalingan si AFP chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro na malapit nang maubos ang armas, kasapian at larangang gerilya ng NPA sa bansa. Layon ng kasinungalingang ito na bigyang matwid ang pagbibigay ng malaking pondo sa militar sa harap ng tumitinding krisis panlipunan. Kahit kailan, hindi malilipol ang NPA dahil sa malalim […]
Dapat panagutin ang mersenaryong 4th IB sa ilalim ng 203rd Brigade sa pambubugbog at paglapastangan sa isang pamilya ng mga Mangyan-Hanunuo sa Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Setyembre 22. Ang 4th IB ay mga salot na dapat palayasin mula sa Oriental Mindoro at pagbayarin nang mahal sa kanilang walang pakundangang paglabag sa karapatang tao […]
Lalong ginagalit ng pasistang 85th IB ang mamamayan ng Quezon sa patuloy nitong paglulunsad ng focused military operations (FMO) at retooled community support program (RCSP) sa anyo ng mga “sensus” at paulit-ulit na pagpapatawag sa kampo ng mga pinaghihinalaan nitong tagasuporta ng NPA. Ang walang tigil na pagpapahirap ng militar sa masang magsasaka ang siyang […]