Archive of Ma. Roja Banua | Spokesperson

Tanging ang rebolusyonaryong hustisya ang makapagbibigay ng tunay na katarungan para sa sambayanan
June 14, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Malaking kalokohan ang pagngawa ng PNP, AFP at NTF-ELCAC para sa katarungan gayong tigmak ng dugo ng mga sibilyan ang kanilang mga kamay. Walang inaasahang katarungan ang mamamayan mula sa reaksyunaryong gubyerno at mersenaryong hukbo nito laluna’t malinaw naman sa sambayanan ang rekord ng pasistang estado sa pambabalasubas at pambabaluktot sa katwiran sukat ang paggamit […]

NDF-Bicol sa pagsibak ni Eleazar sa isang pulis na nakapatay ng babae sa Quezon City
June 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hinding-hindi maitatago ni Eleazar ang kabulukan ng PNP kahit ilan pang pulis ang sibakin niya upang makapagpabango sa publiko. Ang katarungan para sa lahat ng biktima ng SACLEO, tokhang at iba pang marahas na operasyon ng PNP ay hindi makakamit sa pamamagitan lang ng pagsibak sa pwesto ng iilang elemento, kung hindi sa pagwasak ng […]

NDF-Bicol on the continuing war between Israel and Palestine
June 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

This senseless war that have resulted to the loss of thousands of innocent lives and destruction of communities must stop! Truth is, Israel wouldn’t be so bold and arrogant to go into war with Palestine if not for the support and biding of the imperialist US. NDF-Bicol joins the international community in the call for […]

NDF-Bicol on the celebration of Pride month
June 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Only a drastic, radical and revolutionary change in the system can free everyone, including the LGBT community, from discrimination, exploitation and oppression. The fight for equal rights and freedoms is an integral part of the national struggle to crush the semi-colonial and semi-feudal system. Together, we can work toward a society where a person’s capacity […]

Lalabanan ng kilusang masa ang brutalidad ng teroristang AFP-PNP-CAFGU
June 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDF-Bikol sa sambayanang Pilipino sa pagkundena sa nagpapatuloy at lumalalang terorismo ng AFP-PNP-CAFGU laban sa mamamayan sa rehiyon at buong bansa. Matapos ang sunud-sunod na kaso ng mga maanomalyang operasyong pulis at militar na nagresulta sa sunud-sunod na pag-aresto, pagpaslang at masaker, mabilis na nagsulputan at lumaganap ang panawagang dapat maging mapagmatyag ang […]

Lagutin ang tanikala ng imperyalista at pasistang pang-aapi! Isulong ang digmang bayan at kamtin ang tunay na kalayaan!
June 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ginagapos ng rehimeng US-Duterte ang mamamayang Pilipino. Kinikitil nito ang lahat ng mga kalayaan at karapatang ipinaglaban ng taumbayan mula pa sa panahon ng sinaunang Pilipinas. Sa isang iglap, binabaliktad at sinasalaula niya ang lahat ng naipanalong pakikibaka ng mamamayan para sa soberanya ng bansa. Ngayong huwad na araw ng kalayaan, panata ng bawat mamamayang […]

Mga sibilyang magsasaka ang dinukot at pinaslang ng PTF-ELCAC sa Brgy. Anas, Masbate
June 09, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang nagpapatuloy na panlilinlang at paghahasik ng kasinungalingan ng PTF-ELCAC ng Masbate kaugnay nang gawa-gawang labanang ilinunsad ng pinagsanib na pwersa ng 2nd IB at PNP-Masbate. Hindi totoong nagkaroon ng labanan sa pagitan ng yunit ng BHB ng Jose Rapsing Command-Masbate at mga elemento ng sundalo at pulis sa So. Porang, Brgy. Anas, Masbate City nitong Hunyo 8. Mula alas-4 hanggang alas-8 ng umaga, walang puknat na nagpaputok at naglustay ng bala ang militar at pulis. Dinukot at pinaslang ng berdugong tropa ang tatlong magsasakang sibilyan na sina Tony Poligrates ng Villa Hermosa, Cawayan, Boy Briones ng Brgy. Matiporon, Milagros at isa pang inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Tumitinding pasismo ng estado sa Kabikulan
May 27, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Walang lubay ang rehimeng US-Duterte sa pagwawasiwas ng teror kahit sa gitna ng tumitinding pandemya at iba pang sakuna. Sunud-sunod na pamamaslang at iligal na pang-aaresto ang isinagawa ng magkakumbinang pwersa ng AFP-PNP-CAFGU sa Kabikulan sa unang linggo pa lamang ng Mayo. Hindi bababa sa lima ang pinaslang sa loob lamang ng dalawang buwan. Tuluy-tuloy […]

NDF-Bikol sa programang Barangayanihan ng PNP
May 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sinong linoloko ng PNP? Kahit anong gawing pagpapabango ng AFP-PNP-CAFGU ay hinding-hindi nila maikukubli ang sangsang ng reaksyunaryong estado! Alam naman ng lahat na nakikiuso lang ang mga ito sa progresibong inisyatiba ng mga community pantry sa kanilang hungkag na Barangayanihan. Saanmang bahagi ng bansa, alam ng mamamayang hindi pagkakaisa at pagtutulungan, kung hindi pagkamakasarili […]

Komento ng NDF-Bicol sa pagtatakda ng mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC sa mga rehiyon
May 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hindi mga loro ang kailangan ng mamamayang Pilipino sa ngayon kundi dagdag na mga health workers, contact tracers at iba pang maaaring makatulong sa pagharap sa pandemya! Malinaw na higit na prayoridad ng pasistang rehimeng Duterte ang magtalaga ng mga karagdagang kampon ng kasinungalingang nagpapakasasa sa buwis ng mamamayan dahil sa malalaki nilang sweldo kaysa […]