Archive of Ma. Roja Banua | Spokesperson

Rebolusyong Pilipino: Wasto, Makatarungan at Karapatan ng Mamamayan
August 15, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Pinuprotektahan at kinikilala ng mga pandaigdigang batas ang lakas at kapasyahan ng mamamayang pabagsakin ang isang tiraniko’t mapanupil na estado. Sa pagtindi ng pasistang atake ng rehimeng US-Duterte, lubos na yinuyurakan ang demokratikong karapatan ng mamamayan na buong lakas na lumalaban at papanagutin ang isang reaksyunaryong estado. Samantalang nagpapasasa ang mga nasa poder sa pangungurakot […]

Aerial Bombing at Strafing sa Komunidad at mga Orkestradong Engkwentro, Bahagi ng Papasahol na Atake ng JTFB sa Masang Bikolano
August 15, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hindi maaaring palampasin ang papasahol na pang-aatake ng pwersa ng 83rd IBPA at Philippine Air Force sa ilalim ng 9th IDPA, katuwang ang iba pang ahensya sa ilalim ng Joint Task Force Bicolandia, laban sa masang Bikolano. Kahapon, napabalita naman ang kaso ng aerial bombing at strafing sa mga komunidad ng Brgy. Lidong, Caramoan na […]

Si Duterte at ang AFP-PNP-CAFGU Ang Dapat na Usigin at Papanagutin
August 15, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sa halip na tugisin ang mga kabataan mapagpasya’t aktibong lumilikha ng pagbabago, marapat na usigin at papanagutin ang AFP-PNP-CAFGU at ang amo nitong rehimeng US-Duterte sa patung-patong na pasistang krimen laban sa mamamayan. Walang pagtatangi sa edad, propesyon, relihiyon at sektor na kinabibilangan ang mga biktima ng gera kontra-mamayan ng pasista’t tiranikong estado. Pinatay ng […]

Pinakamataas na pagpupugay para kay Ka Obet at Ka Cardo
July 02, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ipinagluluksa ng buong Kabikulan ang pagkawala ng buhay sa nagpapatuloy na todo-giyera ng Rehimeng US-Duterte laban sa mamamayan.  Nakikiramay ang NDF-Bicol at ang buong rebolusyonaryong kilusan sa mga pamilya, kakilala, kaibigan, at kasama nina Roberto “Ka Obet” Balcueva at Salvador “Ka Cardo” Remoto ng Tomas Pilapil Command, NPA-East Camarines Sur.  Napaslang  sila sa pangungubkob ng […]

Isang Bukas na Liham Para kina Emman Bombase at Christine Atole ng Bombo Radyo Naga at sa Mga Kagawad ng Midya
July 02, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ibinalita kamakailan sa Bombo Radyo Naga ang mga naganap na engkwentro sa pagitan ng Bagong Hukbong Bayan at iba’t ibang yunit ng 9th Infantry Division-Philippine Army at PNP-Provincial Mobile Force Company sa mga bayan ng Caramoan at Ragay, Camarines Sur. Sa mga balitang ito, partikular na pumukaw sa aming atensyon ang mga naging komentaryo ng […]

Mapangahas na Labanan ang Pandarahas at Panunupil ng Rehimeng US-Duterte
June 19, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Marapat na ipakita ng nagkakaisang hanay ng mamamayang Bikolano ang kanilang pagkundena sa sistematiko at malawakang panunupil at pandarahas ng rehimeng US-Duterte upang apulahin ang pangangalit ng mamamayan. Ang panatiko’t madugong gera ng rehimen ay dapat harapin ng buong tatag at determinasyon ng sambayanang lumalaban. Hindi mapagtatakpan ng anumang palabas na “distribusyon ng lupa” ang […]

Ipagbunyi ang Lumalawak na Makabayang Diwa 
June 19, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Dapat na ipagbunyi ng sambayanang Pilipino ang panibagong bugso na diwang makabayan dulot ng pandarahas ng mga Tsino sa mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank ng West Philippine Sea. Marapat at matuwid ang pagturing sa dayuhang panghihimasok at pandarambong bilang pangunahing banta sa ating bansa. Patuloy na isinusuko ng rehimeng US-Duterte ang soberanya at patrimonya […]

Kamtin ang Hustisya para kina Nelly Bagasala, Ryan Hubilla at lahat ng mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao! Ubos-kayang labanan ang Oplan Kapanatagan ng rehimeng US-Duterte!
June 16, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

  Walang kasing-bagsik at kasing-sahol ang atake ni Duterte sa karapatang tao sa ilalim ng kanyang kontra-mamamayang gerang Oplan Kapanatagan. Sa loob lamang ng isang araw, dalawang sibilyan ang biktima ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa rehiyon. Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang pagpatay ng mga ahente ng reaksyunaryong estado kina Ryan Hubilla at Nelly Bagasala kahapon […]

Bukas na liham ng isang kasama para sa mga Sundalo at Pulis ngayong Araw ng Kalayaan
June 12, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mga kasama sa kasundaluhan at kapulisan, Kamusta kayo? Ipinagbubunyi natin ngayong araw ang pagtalilis ng mga prayle at mga Espanyol at pagkakatatag ng Republika ng Pilipinas. Sa halagang dalawampung milyon nagpalit-kamay ang pangingibabaw ng monarkiya ng Espanya patungo sa paghahari ng imperyalistang US. Ngunit huwag sana nating kalilimutang ang republikang ito’y naitatag mula sa pagbabalikwas […]

Resulta ng Eleksyon 2019, konsolidasyon ng pwersa ng rehimeng US-Duterte para sa pasistang diktadura
May 20, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Buong tahasang ipinapangalandakan bilang Duterte Magic ang garapalang pandaraya, malawakang pananakot at pagbubuhos ng pondo ng taumbayan para makamit ng rehimeng US-Duterte ang super majority sa Senado at Kongreso. Pagkatapos ng isa sa mga pinakamaruruming eleksyon sa bansa, mapanlinlang na nailuklok ng pangkating Duterte ang mayorya sa kanyang mga pinakamatatapat na kaalyadong pulitiko upang higit […]