Archive of NDF-Bicol

Mga sibilyang magsasaka ang dinukot at pinaslang ng PTF-ELCAC sa Brgy. Anas, Masbate
June 09, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang nagpapatuloy na panlilinlang at paghahasik ng kasinungalingan ng PTF-ELCAC ng Masbate kaugnay nang gawa-gawang labanang ilinunsad ng pinagsanib na pwersa ng 2nd IB at PNP-Masbate. Hindi totoong nagkaroon ng labanan sa pagitan ng yunit ng BHB ng Jose Rapsing Command-Masbate at mga elemento ng sundalo at pulis sa So. Porang, Brgy. Anas, Masbate City nitong Hunyo 8. Mula alas-4 hanggang alas-8 ng umaga, walang puknat na nagpaputok at naglustay ng bala ang militar at pulis. Dinukot at pinaslang ng berdugong tropa ang tatlong magsasakang sibilyan na sina Tony Poligrates ng Villa Hermosa, Cawayan, Boy Briones ng Brgy. Matiporon, Milagros at isa pang inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Tumitinding pasismo ng estado sa Kabikulan
May 27, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Walang lubay ang rehimeng US-Duterte sa pagwawasiwas ng teror kahit sa gitna ng tumitinding pandemya at iba pang sakuna. Sunud-sunod na pamamaslang at iligal na pang-aaresto ang isinagawa ng magkakumbinang pwersa ng AFP-PNP-CAFGU sa Kabikulan sa unang linggo pa lamang ng Mayo. Hindi bababa sa lima ang pinaslang sa loob lamang ng dalawang buwan. Tuluy-tuloy […]

NDF-Bikol sa programang Barangayanihan ng PNP
May 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sinong linoloko ng PNP? Kahit anong gawing pagpapabango ng AFP-PNP-CAFGU ay hinding-hindi nila maikukubli ang sangsang ng reaksyunaryong estado! Alam naman ng lahat na nakikiuso lang ang mga ito sa progresibong inisyatiba ng mga community pantry sa kanilang hungkag na Barangayanihan. Saanmang bahagi ng bansa, alam ng mamamayang hindi pagkakaisa at pagtutulungan, kung hindi pagkamakasarili […]

Komento ng NDF-Bicol sa pagtatakda ng mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC sa mga rehiyon
May 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hindi mga loro ang kailangan ng mamamayang Pilipino sa ngayon kundi dagdag na mga health workers, contact tracers at iba pang maaaring makatulong sa pagharap sa pandemya! Malinaw na higit na prayoridad ng pasistang rehimeng Duterte ang magtalaga ng mga karagdagang kampon ng kasinungalingang nagpapakasasa sa buwis ng mamamayan dahil sa malalaki nilang sweldo kaysa […]

NDF-Bicol sa pagpaslang sa dalawang sibilyan sa Catanduanes
May 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mga berdugo ang pumaslang kina Greg at Uno, mga residente ng Brgy. Progreso, San Miguel, Catanduanes noong Marso 31. Tila target practice lamang ang turing ng militar at pulis sa mga sibilyan! Saanmang bahagi ng rehiyon, saksi ang masang Bikolano kung gaano sila karahas. Wala silang respeto sa karapatang tao. Wala silang konsepto ng katarungan. […]

NDF-Bikol sa pangit na serbisyo ng APEC at pribatisasyon ng kuryente
May 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Pangit na serbisyo, mataas na presyo – iyan ang tatak ng APEC sa masang Albayano. Ito ba ang magandang serbisyong pinagmamalaki nilang dulot ng pribatisasyon – ang pagputol ng linya ng kuryente sa isang buong isla ng Rapu-Rapu at ilan pang bayan ng Albay? Nagkukulang na ang APEC sa pagkamalikhain upang malusutan ang kanilang kapalpakan. […]

Walang suportang makukuha ang RCSP mula sa masang Bikolano
May 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Walang kapantay ang pagngangalit ng masang Bikolano sa AFP-PNP-CAFGU at sa kakambal nilang teror na iwinawasiwas sa mga komunidad. Saanmang bahagi ng rehiyon, higit nilang pinatutunayan ang kanilang reputasyon bilang kaaway ng masang inaapi at pinagsasamantalahan. Sunud-sunod na pinsala sa buhay at kabuhayan ng masang Bikolano ang naitala mula nang lusubin ng 83rd IBPA ang […]

Isulong ang Kilusang Masa para sa Pagtatanggol ng Soberanya!
May 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Lupon ng Manananggol para sa Bayan-Bicol |

Ang kinabukasan ng lipunang Pilipino ang kabayaran sa lantarang pagsuko ng taksil at tutang rehimeng US-Duterte sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). Sadyang malamya at patalo ang postura ni Duterte sa usaping ito dahil siya ang pangunahing nakikinabang sa gabundok na dambong at kurakot mula sa mga pautang, kontrata sa negosyo at […]

APEC shows ultimate greed by depriving the townspeople of Rapu-Rapu of electricity
May 18, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Down and broken by decades of mining exploitation, Rapu-Rapu faces another attack from greedy big bourgeois compradors. Despite the countrywide economic devastation of CoVid 19 pandemic and the series of super typhoons last year, the management of San Miguel Corporation which now runs APEC (previously publicly owned ALECO) deemed it wise to deprive the citizens […]

Labanan ang paghahari ng lagim
May 03, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Read in: English Kinukundena ng NDF-Bicol ang pamamayani ng batas ng karahasan sa kalupaan. Bihis na bihis sa pasismong terorismo ang pagdiriwang ng rehimeng US-Duterte sa mga makasaysayang yugto ng pagsusulong ng karapatan at kagalingan ng mamamayan.Muling pinakawalan ng RTF-ELCAC ang Synchronized Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) para atakehin ang mga tagapagtaguyod ng karapatan […]