Mariing kinukundena ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM)-Masbate ang pagpatay ng mga elemento ng 2nd Infantry Phil. Battaliion-Phil. Army sa 30-anyos na magsasakang si Tata Bacutin nito lamang Setyembre 1, 5:00 ng umaga sa Barangay Pili, bayan ng Placer. Si Bacutin ang ika-33 biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Masbate sa ilalim ng rehimeng US-Marcos. Tulad […]
Mas matinding pang-aapi at pagsasamantala ang resulta ng patakaran ni Marcos Jr na paghadlang sa usapang pangkapayapaan. Sa halip na katigan ang panawagan ng mamamayang Pilipino para sa peace talks, ipinataw ni Marcos ang patakaran ng gera, panunupil at terorismo laban sa sambayanan sang-ayon sa dikta ng kanyang among imperyalistang US. Patunay sa epekto ng […]
Ang kampanya ng umano’y pampulitikang pagkakaisa ni Gov. Antonio Kho ay pakana ng gubernador para magkawatak-watak ang mga Masbatenyo gamit ang panunupil, panlilinlang, dahas at terorismo ng militar upang mapadali ang pagsolo niya sa kurakot at kapangyarihan. Ang kampanyang political unification ay desperasyon ni Gov. Kho na ipataw ang mala-diktador na paghahari ng kanyang pamilya. […]
Malinaw na si Gov. Antonio Kho ang nasa likod ng pagsasampa ng gawa-gawang kaso sa mga lokal na midya ng Masbate na sina Ram Aguilar Sison, Benja Gigante, Jay Legazpi Alfaro at mga tumatayo ring information officers ng kani-kanilang LGU na sina Fel Monares at Peter Corpus. Kinasuhan sina Sison at mga kasamahan matapos na […]
Ang kapabayaan at kawalang-aksyon ng Department of Agrarian Reform-Masbate sa harap ng lantarang pangangamkam ng lupa at pagpatay sa mga magsasaka ay isa pang patunay na huwad at peke ang reporma sa lupang itinutulak ng rehimeng Marcos Jr. Sa halip, para sa mga Masbatenyo, mistulang kasangkapan pa ang DAR-Masbate sa malawakang pang-aagaw ng lupa at […]
Hinihimok ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid-Masbate ang lahat ng mga Masbatenyo na gunitain ang Araw ng Huwad na Kalayaan sa katotohanang hindi tayo malaya. Dapat na magbalik-tanaw sa kasaysayan ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa paghahari ng imperyalismo sa bansa. Kung babaybayin ang kasaysayan ng bansa, makailang beses na nakarating ang rebolusyong Pilipino sa […]
Sa halip na patubig at ayuda sa kabuhayan, pagpatay, pang-aagaw ng lupa at pagbuhos ng mga militar sa komunidad ang tugon ni Marcos Jr at Gov. Antonio Kho sa lumalalang pinsalang dulot ng El Niño sa Masbate. Sa buong Kabikulan, ang Masbate ang pinakahinagupit ng naturang kalamidad kung saan aabot na sa ₱191.1 milyon ang […]
Sa Masbate, pinatutunayan na ang deklarasyon ni Marcos Jr na pagdurog sa NPA bago matapos ang 2024 ay walang iba kundi pinatindi at mas brutal na gera kontra magsasaka. Pinangungunahan mismo ng gubernador na si Antonio T. Kho kasabwat ang militar ang brutal na kampanya ng pandarahas sa mga magsasaka upang lunurin sila sa takot […]
Tulad ng ginawa niyang pandaraya para manalo sa pagkapresidente, tusong itinutulak ngayon ni Marcos Jr ang pagbabago sa Saligang Batas sa pamamagitan ng panlalansi sa taumbayan na pumirma sa petisyong sumasang-ayon sa naturang panukala. Ipinapakalat ngayon sa pamamagitan ng nga alkalde sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang isang petisyon na tinatawag na people’s initiative […]
Binabayo ng lumalalang kawalan ng lupa at kabuhayan ang masang magsasaka sa ilalim ng tumatalim na krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Habang walang ginagawa at isang malaking inutil ang rehimeng Marcos Jr sa harap ng tuluy-tuloy na pagsirit ng mga pangunahing bilihin, pagbagsak sa lokal na produksyon at lumalalang kaguluhan sa bansa. […]