Archive of NDF-Southern Tagalog

Labanan ang doble-karang pagpapakatuta nina Duterte at Marcos Jr sa US at China
June 12, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Walang ibang nagdiriwang sa ika-124 anibersaryo ng huwad na Kalayaan ng Pilipinas kundi ang US, China, si Duterte, Marcos at lahat ng mga kasapakat nila. Sina Rodrigo Duterte at Bongbong Marcos ay ang bagong tagapagmana ng taksil na si Emilio Aguinaldo mula sa hilera ng mga papet na naghari sa Pilipinas. Dahil sa pagkaganid sa […]

₱35 dagdag sahod sa MIMAROPA, limos at pangungutya para sa mga manggagawa!
May 26, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Isang malaking insulto para sa mga manggagawa sa lalawigan ng Palawan ang ipinagmamalaking P35 dagdag-sahod na ipinag-utos ng National Wages and Productivity Commission ng Department of Labor and Employment nitong Mayo 20. Mistulang pangungutya ito sa mahirap na sitwasyon ng pamumuhay ng mga manggagawa at maralita sa probinsya at buong rehiyon ng MIMAROPA. Kung sabagay, […]

Pangyuyurak sa kapasyahan ng taumbayan ang pandaraya sa eleksyon para ipanalo sina Marcos-Duterte
May 19, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Sukdulan ang pagkagahaman at kawalanghiyaan ng demonyong alyansang Marcos-Arroyo-Duterte sa garapalang pandaraya sa eleksyong 2022. Lansakan nitong niyurakan ang kapasyahan ng taumbayan at binaboy ang pag-eehersisyo ng karapatang bumoto upang iluklok sa poder ang anak ng diktador na si Bongbong Marcos Jr. at gawing bise-presidente ang tagapamagmana ni Rodrigo Duterte na si Sara. Wastong salubungin […]

Hindi nagbibigay ng “permit to win” ang CPP-NPA-NDF
May 05, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kinukundena ng NDFP-Southern Tagalog ang panibagong kasinungalingang ikinakalat ng rehimeng Duterte laban sa CPP-NPA-NDFP sa diumano’y pagbibigay nito ng “permit to win”. Inilabas ito sa pahayag ng COMELEC kung saan nagbanta ang komisyon na ididiskwalipika ang mga kandidatong nagbabayad umano ng “permit to win” sa CPP-NPA-NDFP. Ang COMELEC ang nag-aastang boses ng NTF-ELCAC sa bantang […]

Grabeng pagbagsak ng presyo ng sibuyas sa Mindoro epekto ng neoliberal na patakaran ng rehimeng US-Duterte
May 04, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ang isla ng Mindoro ay isa sa malaking prodyuser ng sibuyas sa bansa na nagsusuplay sa Kabisayaan at Palawan. Noong 2014 umaabot sa 13,330 metriko tonelada ang produksyon ng sibuyas sa isla kung saan ang 99% nito ay mula sa Occidental Mindoro. Ang mga bayang pangunahing prodyuser ng sibuyas ay ang San Jose, Calintaan at […]

Kundenahin ang panggigipit at atake sa kabuhayan ng mamamayan ng Occidental Mindoro
April 29, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pinatinding militarisasyon sa mga bayan ng Rizal at Calintaan, Occidental Mindoro na nagdudulot ng pasakit at perwisyo sa kabuhayan ng mamamayan doon. Ito’y ganti at reaksyon ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA sa mga labanan noong Abril 25 sa Barangay Iriron, Calintaan kung saan bigo ang mga sundalo’t pulis na lipulin […]

Panagutin si Alfonso Cusi sa kanyang mga kasalanan laban sa mga Mindoreño at sambayanang Pilipino
April 26, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Dapat na ilantad ang mga kasamaan at kriminal na pananagutan ni Alfonso Cusi sa mamamayang Mindoreño bilang isa sa pangunahing utusang aso, tuta at masugid na tagapagpatupad sa mga anti-mamamayang palisiya at tagapangalaga sa mga pang-ekonomya at politikal na interes ng papet, kriminal, terorista at tiranikong rehimeng US-Duterte. Si Cusi ay myembro ng gabinete ng […]

Buklurin ang bayan sa pagsusulong ng pambansa demokratikong adhikain at pakikibaka para sa hustisya!
April 24, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati at sinasaluduhan ng NDFP-ST ang nakikibakang mamamayang Pilipino sa pag-sapit ng ika-49 anibersaryo ng pagkakatatag ng NDFP sa Abril 24. Sa loob ng halos li-mang dekada, nakonsolida, lumawak at lumakas ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng sambayanan sa kabila ng panunupil ng reaksyunaryong estado laluna ng kasalukyang rehimeng Duterte na walang patumanggang nagtatatak na terorista sa […]

Mabuhay ang rebolusyonaryong mamamayan sa Isla ng Mindoro! Magpunyaging isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa tagumpay!
April 24, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng National Democratic Front of the Philippines – Mindoro ang ika-49 anibersaryo ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)! Apatnapu’t siyam na taon na ang nakalipas, makasaysayang itinatag ng Partido Komunista ng Pilipinas ang NDFP sa layuning pagkaisahin ang pinakamalawak na masa ng sambayanan –mga manggagawa at magsasaka at lahat ng […]

Sa tagumpay lamang ng pambansa-demokratikong rebolusyon at pandaigdigang sosyalistang rebolusyon malalabanan ang climate change at makakamit ang sustenableng pag-unld ng bayan
April 22, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ginugunita sa buong mundo ngayon ang Earth Day. Isa itong simbolikong araw kung saan ipinapaalala sa mga mamamayan ang pangangalaga sa kalikasan at likas na yaman upang maipreserba para sa susunod na salinlahi. Sa nagdaang mga taon, ang Earth Day ay naging daluyan upang ipanawagan ang mga isyu kaugnay sa climate justice at ang walang […]