Ikinalulugod ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang positibong resulta ng International Labour Organization High Level Tripartite Mission (ILO HLTM) na inilunsad sa Pilipinas noong Enero 23-27. Sa HLTM, tinalakay ang kahilingan ng mga manggagawang Pilipino sa pagtataguyod ng karapatan sa paggawa at kinundena ang pandarahas ng estado sa kanilang hanay. Matapos ang HLTM, […]
Isang tagumpay para sa mamamayang Pilipino lalo sa mga tagapagtanggol ng karapatang tao at mga biktima ng karahasan ng estado ang pagtutuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga krimen ng nakaraang rehimeng Duterte kaugnay ng brutal na gera kontra-droga. Malaking tulak sa ICC ang pag-apela ng 204 biktima na kumakatawan sa 1,050 […]
Nananawagan ang NDFP-ST sa lahat ng mapagkawanggawang institusyon, tunay na lingkod bayan, taong simbahan at internasyunal na makataong organisasyon na tulungan ang mamamayan ng Quezon laban sa atrosidad ng 85th IBPA, 201st Brigade at Southern Luzon Command. Nangangailangan ng mga ayuda at tulong psycho-social ang mga biktima. Ayon sa ulat ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-NPA […]
Sa paggunita sa ika-36 taon ng masaker sa mapayapang pagkilos ng mga magsasaka sa Mendiola, at sa gitna ng pagkawasak ng malalawak na taniman sa timog Palawan, dapat magbigkis ang mga magsasakang Palaweño para labanan ang lahat ng proyektong nangwawasak sa kanilang kabuhayan at kapaligiran. Hindi pa ganap na nakakabawi sa pinsala ng bagyong Odette […]
Ginugunita ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang ika-36 taon ng Mendiola Massacre na kumitil sa buhay ng 13 magsasakang nakibaka para sa karapatan sa lupa at iba pang serbisyong panlipunan. Kaisa ng magsasaka at sambayanang Pilipino ang NDFP-ST sa kanilang laban para sa lupa at kamtin ang hustisya sa mga biktima ng Mendiola […]
Nagpupuyos sa galit ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa pagdismiss ng Department of Justice (DOJ) sa kasong murder ng 17 pulis at isang ahente ng CIDG kay Emmanuel “Ka Manny” Asuncion ng BAYAN-Cavite sa Bloody Sunday noong Marso 7, 2021. Hindi maikakaila na ang DOJ ay protektor ng mamamatay-taong estado at nagpapatupad ng hungkag na […]
Mariing kinukundena ng Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) ang rehimeng US-Marcos-Duterte at ang protektor ng mga kriminal na kalihim ng Department of Justice (DOJ) na si Crispin Remulla sa pagmaniubra para iabswelto ang mga pulis na pumatay kay Manny Asuncion. Nakapagngingitngit sa galit ang inilabas na desisyon ng Panel of Prosecutor ng DOJ na […]
Pinagdudusahan ngayon ng mamamayang Pilipino ang walang pakundangang pangwawasak sa kalikasan ng mga ganid na dayuhan at lokal na kapitalista sa ngalan ng pagkakamal ng tubo. Sa nakaraang buwan, naganap ang matitinding pagbaha sa Mindanao at Timog Palawan matapos ang mga pag-ulan na dala ng shearline at amihan. Nasa higit 3,900 pamilya mula sa Brooke’s […]
Kaisa ng mamamayang Pilipino ang NDFP-ST sa pagtutol at paglaban sa mga kasunduang binuo nina Xi Jinping at Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pagdalaw ng huli sa China noong Enero 3-5. Mayroong 14 na bilateral na kasunduang pinirmahan ang dalawa, pinakatampok ang kaugnay sa pagmimina ng langis sa West Philippine Sea (WPS). Samantala, hindi inilalantad […]
Dapat na tuligsain ang dayuhan at malakihang operasyon ng mina at iba pang mapaminsalang proyekto sa probinsya na pangunahing sanhi ng malawakang pagbaha, laluna sa bayan ng Brooke’s Point. Dinisloka ng kalamidad na ito ang 3,903 pamilya o 19,292 indibidwal sa 16 sa 18 barangay sa nasabing bayan, ayon sa ulat ng PDRRMO. Para sa […]