Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

Labanan ang terorismo ng AFP-PNP sa Mindoro
July 16, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Mariing kinukondena ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog ang pang-aatake ng pasistang 203rd Brigade sa mamamayan ng Mindoro sa ilalim ng anti-komunistang gera ng NTF-ELCAC. Nakagagalit ang walang pusong pagbabaling nito ng gera sa mamamayan sa gitna ng walang kaparis na kahirapang dinaranas ngayon sa bansa. Nitong Hulyo 3, naiulat ang pang-aatake ng pinagsamang […]

Fake News gamit na gamit ng 203rd Bde at PNP-MIMAROPA upang pagtakpan ang kanilang Krimen Laban sa mga Mindoreño!
July 08, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Bumubula ang bibig ng 203rd Bde at PNP-MIMAROPA ng mga fake news upang pagtakpan ang kanilang krimen laban sa mga Mindoreño at kabiguang durugin ang New People’s Army. Sa 10 pinakakalat nilang balita, wala ni isa mang totoo liban sa pangalan ng kanilang mga opisyal, tagapagsalita at yunit. Sa mga unang araw ng bagong ilehitimo […]

Huling mga Atake ng Rehimeng Duterte sa Buwan ng Hunyo, Binigwasan at Binigo ng BHB! Rebolusyonaryong Hustisya Nakakamit ng Mamamayang Mindoreño!
July 01, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Binigwasan at binigo ng mga yunit ng Lucio de Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC-NPA-Mindoro) ang huling malakihang operasyong inilunsad ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA sa isla ng Mindoro noong buwan ng Hunyo. Hindi lamang pinagod at pinasuntok sa hangin ang mga mersenaryo’t pasistang pwersa, binigwasan pa ito ng BHB. Pinagpupugayan ng mamamayang Mindoreño […]

Biguin ang anti-komunistang gerang NTF-ELCAC hanggang sa susunod na dalawang taon!
June 09, 2022 | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Katawa-tawa at pulos kayabangan ang pahayag ni Duterte na mawawakasan ng NTF-ELCAC ang CPP-NPA-NDFP sa susunod na dalawang taon. Desperadong putak ito ng pasistang pangulo na nabigong kamtin ang target sa kanyang termino. Ang pagdurog sa rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan ay habambuhay na pangarap na gising ng reaksyunaryong gubyerno kahit na ipagpatuloy ito sa susunod […]

"Kaunlaran" sa ngalan ng terorismo
June 03, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nagpapatawa si Bgen. Norwyn Tolentino kung inaakala niyang magagawa nitong durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Quezon. Ang sinasabi niyang “gawaing pangkaunlaran” ay peke, gawa-gawa at pakitang-tao lamang sa mamamayan ng lalawigan upang pagtakpan ang di na mabilang na kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao ng 201st Brigade, 85th IBPA at 59th IBPA […]

Pagpupugay sa 5 Pulang mandirigma ng LdGC-NPA Mindoro at mga martir ng labanan sa Calintaan noong Abril 25
April 30, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng Melito Glor Command-New People’s Army-Southern Tagalog (MGC-NPA-ST) ang limang Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro na magiting na sumagupa sa sunud-sunod na tatlong labanan sa pinagsanib na pwersa ng 4th IBPA, 76th IBPA, 68th IBPA at PNP-SAF noong Abril 25 sa Brgy. Iriron at Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro. Nakikipagkonsultahan sa mga […]

Pagbayarin ang 1st at 80th IB ng 202nd Brigade, protektor ng mga mapanira at mapaminsalang proyekto sa Sierra Madre!
April 28, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Marapat kundenahin at panagutin ang 1st at 80th IB sa ilalim ng 202nd Brigade ng Philippine Army sa garapalang pag-atake sa mga katutubong Dumagat at mamamayan ng Quezon para ipagtanggol ang interes ng mga ganid na dayuhang kapitalista’t lokal na burukrata sa likod ng mga mapanirang proyekto sa Sierra Madre. Naglilingkod ang mga bayarang 202nd […]

203rd Brigade at PNP-SAF bigong lipulin ang 5 kataong tim ng NPA-Mindoro
April 27, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Binibigyang pugay ng Lucio De Guzman Command ang kagitingan ng 5 kataong tim nito na buong giting at ubos lakas na nilabanan ang pagsalakay ng pinagsanib na pwersa ng 4th IBPA, 76th IBPA, 68th IBPA at PNP-SAF sa tatlong magkakasunod na labanan noong umaga ng Abril 25 sa Brgy. Iriron at Malpalon, bayan ng Calintaan, […]

Ituloy ang naiwang laban ni Ka Oris!
April 22, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Inaalala at pinagpupugayan ng Melito Glor Command – NPA ST ang dakilang buhay ni Jorge “Ka Oris” Madlos, yumaong tagapagsalita ng NPA, sa mismong araw ng kanyang kapanganakan, Abril 22. Nawala man ang kanyang pisikal na presensya, nananatiling siyang buhay sa puso at diwa ng bawat Pulang mandirigmang nagsusulong ng digmang bayan. Sa okasyong ito, […]

NTF-ELCAC, bahagi ng pinakamalaking kabiguan ng rehimeng Duterte
April 20, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Purong kasinungalingan at rurok ng kahibangan ang pahayag ni Defense Undersecretary Cesar Yano noong Abril 14 na ang NTF-ELCAC ang “best thing that happened to the Philippines” o ang pinakamagandang bagay na nangyari sa Pilipinas. Pagbabaliktad ito sa malupit na katotohanan at garapal na pagtatangka na pagtakpan ang umaalingasaw na rekord ng pasistang anti-komunistang task […]