Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

Walang naganap na labanan sa pagitan ng 203rd Brigade at NPA noong Pebrero 26
March 08, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Nabigo sa paraang mabangis, bumaling naman sa panlilinlang sa sambayanan! Malaking kasinungalingan ang deklarasyon ng 203rd Brigade na nagkaroon ng 30 minutong labanan sa pagitan nila at sa NPA noong Pebrero, 26, 2022. Dagdag na palamuti sa kasinungalingang ito na nakubkob daw nila ang kuta ng NPA sa So. Alyanon, Brgy. Lisap. Nakuhanan pa ng […]

Kababaihang Mindoreño magkaisa at magtanggol laban sa terorismo ng rehimeng US-Duterte, isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyong bayan!
March 08, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Magbangon at labanan ang kriminal, pasista at tiranong rehimeng US-Duterte na walang-habas ang pagyurak sa mga karapatan ng kababaihan at paghamak sa pagkatao ng mga babae. Nagdudulot ng labis na pahirap sa mamamayang Mindoreño ang inihahasik na gera nito laban sa bayan, laluna sa kababaihang magsasaka, pambansang minoryang Mangyan at mga bata at kabataan. Nagpapatuloy […]

Singilin at pagbayarin ang berdugong 203rd Brigade sa pambobomba sa kabundukan ng Mindoro!
February 27, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Ligalig at terorismo ang hatid ng pambobomba ng 203rd Brigade sa hangganan ng Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro at Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro ngayong Pebrero 26. Karumaldumal at mala-halimaw ang mga pasista na isinantabi at isinasapanganib ang buhay at ari-arian ng Mindoreño at katutubong Mangyan na nakatira sa lugar para lamang bigyang daan […]

Parusahan ang 203rd Bde sa lansakang pambobomba sa Mindoro! Ipagtanggol ang lupaing ninuno!
February 26, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Mariing kinokondena ng LDGC-NPA Mindoro at ng mamamayang Mindoreño ang walang pakundangang pang-ereng pambobomba, pag-iistraping at panganganyon ng teroristang AFP sa mga pamayanan ng mga katutubong Mangyan sa saklaw ng mga bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro at San Jose, Occidental Mindoro kahapon, Peb 26, 2022. Habang inaatake ng Russia ang Ukraine at nagbabantay ang mamamayan […]

Pulang saludo kay Ka Facio, lider kabataan, magiting na opisyal ng NPA
February 25, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Pinakamataas na pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog kay Kevin “Ka Facio/Lucio” Castro, magiting na Pulang mandirigma at mahusay na Pampulitikang Instruktor ng isang yunit ng Apolonio Mendoza Command-NPA Quezon. Namatay si Ka Facio sa edad na 28 sa isang labanan noong Pebrero 21 sa Brgy. Binibitinan, Polilio, Quezon, bandang 11:20 […]

Pulang pagpupugay kay Kevin "Ka Lucio" Castro! Isang guro, mag-aaral ng sambayanan!
February 23, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-North Quezon | Eliza 'Ka Eli' dela Guerra | Spokesperson |

Pinakamataas na pulang pagpupugay at parangal ang pinapaabot ng Apolonio Mendoza Command-NPA-North Quezon kay Kevin “Ka Lucio” Castro, kasapi ng Bagong Hukbong Bayan, kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas at martir ng sambayanang Pilipino. Inialay ni Ka Lucio ang kanyang panahon at buhay nang walang pag-iimbot para sa sambayanan. Pinagsilbi niya ang kanyang husay, talino […]

“Malakas” na AFP, instrumento ni Duterte sa teroristang panunupil sa mamamayan
February 21, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Hungkag ang pagyayabang ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes na tiwala siyang matatapos ang kanyang termino na “malakas” ang AFP, na isa sa mga ipinangako niya sa panahong nangangampanya noong 2016. Dahil raw ito sa inilaan niyang malaking pondo para sa pagtaaas ng sahod ng mga sundalo at opisyal at pagtitiyak […]

Kundenahin ang pakana ni Duterte na kontrolin ang COA gamit ang bago nitong hepe
February 20, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Malinaw pa sa sikat ng araw ang maitim na balakin ni Rodrigo Duterte na kontrolin ang Commission on Audit (COA) sa pagtatalaga ng isa niyang matapat na alagad bilang bagong hepe nito. Pinili niya si Rizalina Justol, dati niyang accountant sa Davao City at deputy executive secretary for finance and administration ng Office of the […]

Rehimeng Duterte, patron ng e-sabong at iba pang kriminal na aktibidad
February 18, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-North Quezon | Eliza 'Ka Eli' dela Guerra | Spokesperson |

Tuluy-tuloy na nalululong ang maraming mamamayan sa online sabong , na lalong lumaganap sa panahon ng pandemya. Nagdulot ito ng ibayong pagkabaon nila sa utang at paglaganap ng kriminalidad sa bayan. Kamakailan lamang ay nabalitang nang-holdap ang isang pulis sa Batangas dahil sa utang nito sa online sabong. Samantala umakyat na sa 30 ang bilang […]

Pandarahas ng JVH Real Property and Leasing sa mga residente ng Avatex sa Rodriguez, kinukondena ng NPA-Rizal
February 18, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Kinukondena ng NAAC ang ginawang pamamaril at pagpapaulan ng bala ng mga gwardiya ng JMV Security Services sa mga residente ng Sityo Avatex, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal noong Pebrero 16, 2022, 9:30 ng umaga. Malubhang nasugatan sa insidente ang isang residente dahil sa pamumutok. Instrumento ang mga gwardiyang ito sa pagpapalayas sa mga residente […]