Kondenahin at buong lakas na labanan ang panibagong serye ng pambobomba na ginagawa ng rehimeng Duterte sa pamamagitan ng 203rd Brigade sa mga katutubo at magsasaka sa Mansalay at Roxas, Oriental Mindoro. Pagsasakatuparan ito sa utos ng baliw na si Duterte na “patayin ang lahat ng mga NPA at Komunista!” Malademonyong binomba ng pasistang rehimen […]
Kahapon ng umaga, isa na namang misencounter ang nangyari sa mga sundalo ng 201st Infantry Brigade ng Philippine Army na nag-ooperasyon sa Sityo Pinaglaraan, Barangay Cawayan ng bayan ng Gumaca. Iniulat ng mga nakarinig ng putukan ang inakalang labanan sa pagitan ng sundalo at NPA na nagkaroon ng ilang minutong barilan, pero maya-maya pa ay […]
Kuhang-kuha ng mga strategist ng kalaban sa pulitika ng kampong Suarez ang kiliti ng madlang tagapanood sa maaga nilang electioneering na nagkukubli sa paghahabla sa mag-amang Danny at Jay-Jay Suarez at mag-asawang Bokal Doray at Jeson Tan, na diumano’y protektor ng mga rebelde. Natunghayan ng sambayanang Pilipino na hindi mauubusan ng bala ang gubyernong Duterte […]
Sinalubong ng mga opensibang militar ng NPA sa Timog Katagalugan (TK) ang masinsin na focused military operations (FMO) ng AFP sa pagbubukas ng buwan ng Marso. Limang kaswalti ang tinamo ng mga berdugong kaaway sa dalawang magkasunod na opensiba ng NPA sa TK. Noong Marso 3, kinomando ng isang tim ng Lucio de Guzman Command […]
Labis na nakababahala ang pagbisita ng punong mamamatay tao ng PNP na si National Director Gen. Debold Sinas sa opisina ng PNP-MIMAROPA sa Calapan City noong nakaraang mga araw. Nagbabadya ito ng masamang pangitain at paramdam na isusunod ang isla ng Mindoro sa pag-arangkada ng makahayop at mapanindak na pampulitikang Tokhang sa kamay ng mga […]
Nagpupuyos sa galit at sumisigaw ng katarungan ang MGC-NPA ST para sa karumal-dumal na pagpatay sa siyam na aktibista at pagdakip sa anim na iba pa ng PNP CALABARZON noong Marso 7. Kaisa ito ng mamamayan ng TK sa paniningil kay Duterte at sa AFP-PNP sa kanilang utang na dugo sa bayan. Sagad sa buto […]
Binabati ng Lucio de Guzman Command – New People’s Army- Mindoro (LDGC-NPA-Mindoro) ang matagumpay na operasyong isnayp-haras ng isang tim nito laban sa Focused Military Operation (FMO) ng 4th Infantry Battalion Philippine Army (IBPA) noong 3 Marso 2021, alas-sais ng hapon sa Brgy Manoot, Rizal, Occidental Mindoro. Halos isang linggo ng nag-ooperasyon ang mga pasistang […]
Sinasaluduhan ng Melito Glor Command-New People’s Army Southern Tagalog ang lahat ng mga militante at nakikibakang kababaihan ngayong ika-110 taon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Patunay sa napakalaking papel at ambag nila sa lipunang Pilipino ang kanilang nagpapatuloy na laban sa harap ng tumitinding pasismo ng rehimeng US-Duterte. Malaon nang pinagsasamantalahan ng bulok na estado […]
Kasama ng sambayanang Pilipino ang MGC-NPA ST sa mariing pagtutol at paglaban sa pandarambong ng mga imperyalista at lokal na malalaking kumpanya sa pagmimina ng yamang mineral ng bansa. Sobra-sobra na ang kanilang dinambong at pininsala—ang dapat sa kanila’y palayasin at panagutin sa kanilang mga atraso sa bayan. Kaisa rin ito sa panawagang ibasura ang […]
Sinusuportahan ng MGC-NPA ST ang mataas na kahilingan ng bayan na panagutin ang nabubulok, kriminal at pasistang aparatong Philippine National Police (PNP) at ang namumuong panawagang alisin sa pwesto ang hepe nitong si Debold Sinas. Marapat na pagbayarin ang mga pasistang tagapagtanggol ng estado upang bigyang-katarungan ang mga biktima at hawanin ang daan sa pagkakamit […]