Sa okasyon ng ika-53 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas, ipinaabot ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa North Central Mindanao Region (NCMR) ang mataas na pagsaludo sa lahat ng inaapi at pinagsasamantahang masa sa rehiyon na “nagsisilbing bukal ng sigla at katatagan ng buong rebolusyonaryong pwersa.” Sa pahayag ng paggunita sa anibersaryo na inilabas ng […]
Umaabot sa ₱1 bilyong halaga ng mga produktong agrikultural ang iligal na ipinuslit sa bansa mula Mayo hanggang Nobyembre ngayong taon. Ito ang taya ng pananaliksik ng upisina ni Sen. Francis Pangilinan. Ngayong araw, Disyembre 14, sinimulan na sa Senado ang imbestigayon kaugnay nito. Nakapagtala ang pananaliksik ng upisina ng senador ng 25 operasyon ng ismagling […]
Isang serye ng mga pagkilos ang inilunsad ng mga magsasaka mula sa Cagayan Valley para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at igiit na palayain ang kapwa nilang mga magsasaka na ikinulong ng rehimeng Duterte. Inilunsad nila ang 2-araw na pangangalampag noong Nobyembre 23 at 24 para ipanawagan ang kagyat na pagpapalaya sa mga magsasakang taga-Cagayan […]
Inilibing kahapon, Nobyembre 23, ng daan-daang mga kababaryo ang dalawang maglulukad o magniniyog na pinaslang ng 59th IB. Sigaw ng 400 nagmartsa ang katarungan para sa kanilang kababaryo. Pinaslang ng mga sundalo ng 59th IB sina Jorge Coronacion, 64, at Arnold Buri, 43, noong Nobyembre 17 sa isang gawa-gawang engkwentro sa Barangay Taquico, Sampaloc, Quezon. […]
Limang aktibista at organisador ng mga magsasaka — apat ay matatanda na at isang maysakit — ang sabay-sabay na inaresto ng mga pulis at sundalo noong madaling araw ng Nobyembre 16. Ang pananalakay at pagtatanim ng ebidensya sa tinutuluyan nilang mga bahay ay hindi kaiba sa manera ng iligal na pang-aaresto at pagsasampa ng gawa-gawang […]
Matapos ang isang taon ng dambuhala at sustenidong mga protesta sa India, natulak ng mga magsasaka si Indian Prime Minister Narendra Modi na ianunsyo noong Biyernes ang kanyang planong ibasura ang tatlong neoliberal na batas sa pagsasaka na kanyang ipinatupad noong Setyembre 2020. Ang tatlong batas na ito—ang amyenda sa Essential Commodities Ordinance, Farming Produce […]
Nananawagan ang Apolonio Mendoza Command ng New People’s Army Quezon ng hustisya at kompensasyon sa mag-asawang naging biktima ng walang habas na pamumutok o indiscriminate firing ng mga sundalo ng 59th IBPA noong gabi ng Nobyembre 15, 2021. Muntik nang ikamatay ng mag-asawang Rodel Llames at Jenna Oreviana ng Sityo Maliit ng Balotinao, Barangay San […]
Namatay kahapon, Nobyembre 18, si Antonio Molina, isang magsasakang aktibista na ikinulong sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives. Kasama siya sa anim na iba pang dinakip noong Oktubre 2019. Si Molina, 67, ay may sakit na kanser sa tiyan. Makailang beses nang hiniling ng kanyang kapamilya at abugado na palayain siya sa […]
Nananatiling mailap ang hustisya para sa mga biktima ng masaker ng mga manggagawang-bukid sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004. Hanggang ngayon ay wala pang naparurusahan sa mga armadong sundalo at maton na walang habas na nagpaputok at mga upisyal na nag-utos sa kanila. Walang pa ring sariling lupa ang mga magsasaka ng asyenda. Naglunsad […]
Dinukot noong Nobyembre 6 ng mga ahente ng estado si Steve Abua, organisador ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Central Luzon sa Sta. Cruz, Lubao, Pampanga. Nasa biyahe noon si Abua papuntang Bataan para sa isang pulong. Ayon sa kanyang asawa na si Johanna Abua, ilang oras mula nang dukutin si Steve ay nakatanggap sila ng mensahe […]