Dinisarmahan ng mga Pulang mandirigma ang mga armadong gwardya ng MR1 Construction Company noong Hunyo 24 sa Barangay Zone 3, Lanuza, Surigao del Sur. Nakumpiska sa nasabing opensiba ang dalawang ripleng M16, isang shotgun, isang kalibre .45 pistola at iba pang gamit militar. Nasawi sa aksyong militar ang isang gwardya at isang elemento ng CAFGU. […]
Nilantad ng Qurium Media, organisasyon sa cybersecurity na nakabase sa Sweden, sa isang ulat noong Hunyo 22 na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Science and Technology (DOST) ay nasa likod ng mga distributed denial-of-service (DDoS) attack sa mga grupong Bulatlat, Altermidya at Karapatan. Nagsimula ang mga atake noong kalagitnaan ng […]
Higit isang libo ang nagmartsa patungo sa Mendiola Bridge sa Maynila sa ika-5 taon sa poder ni Rodrigo Duterte noong Hunyo 30 para singilin ang kanyang rehimen ng korapsyon, pagtataksil, pagpaslang at pagpapahirap sa bayan. Sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan, giit ng iba’t ibang mga organisasyon ang pagwawakas sa mga pagpaslang at pagsasakdal sa […]
75-taon ng neokolonyalismo. Naglunsad ng isang raling iglap ang may isandaang kabataan sa harap ng Embahada ng United States sa Pasay City noong Hulyo 4. Sa pangunguna ng League of Filipino Students, giit ng mga kabataan ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement, Enhanced Defense Cooperation Agreement at lahat ng hindi pantay na mga kasunduan at […]
Hanggang sa nalalabing mga buwan ng upisyal na termino ni Rodrigo Duterte, nagpapatuloy ang pagpabor niya sa kanyang armadong mga tauhan, laluna sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang malimit niyang ituring na “mga sundalo ko” ay ipinapalayaw sa madalas na pagbisita sa mga kampo, pag-udyok sa kanila na pumatay at manggahasa, at maging […]
Mistulang lumilipad na mga kabaong ang mga helikopter at eroplano ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Bumagsak noong Hulyo 4 ang isang C-130 Hercules transort plane ng militar sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu, na nagtamo ng pinakamalalang kaswalti sa nakaraang tatlong dekada. Ayon sa pinakahuling ulat, umabot na sa 52 ang kumpirmadong namatay kabilang […]
Muling inilagay ng Financial Action Task Force (FATF) noong Hunyo 24 ang Pilipinas sa tinatawag nitong “grey list” o listahan ng mga bansang may mataas na insidente ng money laundering. Ibig sabihin, ipapailalim ng FATF sa mas mahigpit na pagmomonitor ang mga bangko at pinansyal na mga transaksyon ng bansa. Ang “money laundering” ay ang […]
Ang industriya ng semiconductor ang isa sa nasa sentro ngayon ng tumitinding imperyalistang tunggalian sa pagitan ng mga higanteng kapitalistang bansang US at China. Ang retorika ng “malayang kalakalan” ay naisantabi sa harap ng tuwirang panghihimasok ng mga imperyalistang estado sa paghahabol na makontrol ang produksyon at distribusyon sa susing produktong panteknolohiyang ito. Ang tunggaliang […]
Papaabante ang teknolohiya ng semiconductor na may kinalaman sa kakayahang pagkasyahin ang mga circuit (o sistema ng mga alambre) sa maliit na espasyo. Noong dekada 1950, ang isang electronic chip ay mayroon lamang sampung circuit. Ilandaang ulit na lumaki ito noong dekada 1960. Sinasabing dumodoble ang kapasidad ng mga chip kada dalawang taon. Noong katapusan […]