Hindi makaagapay ang antas ng sahod ng kalakhan ng mga manggagawa sa bilis ng pagtaas ng mga presyo ng mga batayang pangangailangan. Mula pa noong nakaraang taon pumaimbulog ang presyo ng pagkain nang hanggang 77% (karne) ngayong Enero. Pinabilis nito ang tantos ng implasyon tungong 3.5% noong Disyembre, pinakamataas sa nakaraang 21 buwan. Dulot nito, […]
Nananawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) noong Pebrero 1 na ibaba ang presyo ng karneng baboy sa antas nito noong 2019 bago manalasa ang African Swine Fever (ASF). Ito ay matapos na pumalo sa ₱400 ang presyo ng liempo at ₱370 naman sa kasim. Anito, magagawang ibaba ang presyo kung bibigyan ng tulong sa […]
Libu-libong manggagawang Pilipino ang nakatakdang mawalan ng trabaho ngayong Pebrero-Marso matapos na magdeklara ang tatlong kumpanya ng planong magbawas ng empleyado o di kaya’y magsara dulot ng pagkalugi. Noong Pebrero 2, inanunsyo ng Philippine Airlines na magtatanggal ito ng 2,300 manggagawa dulot ng pagbagsak ng bilang ng mga nagbibyahe sa loob at labas ng bansa. […]
Nagpiket ang mga manggagawa ng Magnolia sa harap ng kanilang pabrika sa General Trias, Cavite noong Enero 28 para ipanawagan ang dagdag na sahod at mas makataong mga kundisyon sa paggawa sa gitna ng pandemya. Panawagan din nilang kilalanin ang collective bargaining agreement sa pagitan ng maneydsment at kanilang unyon. Laman nito ang pagbibigay ng […]
Nagsimula na noong Pebrero 2 ang pagdinig sa Korte Suprema laban sa Anti-Terrorism Law o ATL. Pitong abugado na kumakatawan sa 37 petisyon ang humarap dito. Sa labas ng korte, tinatayang 500 ang nagtipon para suportahan sila. Para padulasin ang pagdinig, inutos ng korte noong nakaraang taon na pagsamahin ang 37 petisyon. Bilang pagtalima, binungkos […]
Limang magsasakang nakikibaka para sa kanilang karapatan sa lupa ang pinatay ng mga elemento ng estado sa nakaraang dalawang linggo. Isa rito si Antonio Arellano, tagapangulo ng Paghiliusa sa Mangunguma sa Binabono, isa sa mga nagpetisyon laban sa Anti-Terrorism Law (ATL). Pinatay siya sa Barangay Jonob-jonob, Escalante CIty sa Negros Occidental kasabay ng unang araw […]
Nagkudeta ang militar ng Myanmar (dating Burma) noong Pebrero 1 para patalsikin sa pwesto ang halal na mga upisyal ng bansa. Inaresto at idinetine ng Tatmadaw, tawag sa armadong pwersa rito, si Aung San Suu Kyi, ang kinikilalang lider ng sibilyang burukrasya at iba pang matataas na upisyal. Nakatakdang buksan noong araw na iyon ang […]
Idineklara ng isang huwes sa Mandaluyong City na “di balido” ang search warrant na ginamit para halughugin ang tinutuluyang bahay ng mga aktibistang sina Lady Ann Salem at Rodrigo Esparago noong Disyembre 10, 2020. Idineklara rin ng husgado na hindi maaaring gamitin na ebidensya ang “nasamsam” na mga baril at eksplosibo mula sa kanila. Sa […]
Nagpalit ng hepe ang estado ng imperyalistang US noong Enero 20. Nanumpa si Jospeh Biden bilang ika-46 na presidente ng US at si Kamala Harris bilang kanyang bise-presidente sa gitna ng rumaragasang krisis sa ekonomya, pulitika at kalusugan ng bansa. Tulad ng mga nauna sa kanya, itinataguyod ni Biden ang “pamumuno ng US sa buong […]