Tatlongdaang mag-aaral ng Technological University of the Philippines na nakasuot ng itim na damit ang lumahok sa protesta noong Marso 4 laban sa mapaniil na patakaran ng unibersidad. Pinangunahan ng TUP University Student Government ang pagkilos. Binatikos ng mga estudyante ang panggigipit sa mga organisasyon at aktibidad ng mga mag-aaral. Inirereklamo rin nila ang kakulangan […]
Tinatayang 25 milyong manggagawa sa buong daigdig ang mawawalan ng trabaho ngayong taon sa pinakamalalang senaryo bunga ng Covid-19. Batay ito sa pag-aaral ng International Labor Organization (ILO) kaugnay ng krisis na kinakaharap ng ekonomya ng mga bansa dulot ng pandemya. Ikinumpara ng ILO ang kasalukuyang krisis sa kalusugan sa pandaigdigang krisis sa pinansya noong […]
Ang dumadalas na paglitaw ng mga sakit na sanhi ng coronavirus at iba pang zoonotic na sakit (naipapasa ng hayop tungo sa tao) ay nakaugnay sa kapitalistang pangangamkam ng lupa, sa pagwasak ng mga kagubatan at ng malakihang produksyon ng pagkain ng mga korporasyong agribisnes. Sa ilalim ng kaayusang neoliberal, walang pakundangan ang pagsira ng […]
Bago pa man magdeklara ang rehimeng Duterte ng tigil-putukan, naglabas na ng mga direktiba ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa lahat ng rebolusyonaryong pwersa na maglunsad ng kampanyang masa upang hikayatin ang kolektibong aksyon para komprehensibo at malawakang tumugon sa banta ng epidemya ng Covid-19. Ang unilateral na tigil-putukan ng GRP na idineklara ni […]
Minasaker ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya sina Julius Giron (Ka Nars), kanyang duktor na si Ma. Lourdes Dineros Tangco, at kasama sa bahay na si Arvie Alarcon Reyes dakong alas-3 ng madaling araw noong Marso 13 sa Barangay Queen of Peace, Baguio City. Isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng militar na naghahapag […]
Pinangunahan ng Gabriela ang kilos-protesta noong Marso 8 bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Manggagawang Kababaihan. Unang nagtipon ang libu-libong kababaihan at tagasuporta nito sa Liwasang Bonifacio bago nagmartsa patungo sa Mendiola. Sa rali, kinwestyon ng grupo ang sinseridad ng pag-basura ni Duterte sa Visiting Forces Agreement sa harap ng pagtutuluy-tuloy ng mga pagsasanay-militar ng […]
Hiniling kamakailan ng mga magsasaka sa Capiz na ipagbawal ang paggamit ng Round Up Ready na herbisidyo sa mga maisan. Ito ay matapos mapatunayan na nanuot na ang kemikal na glyphosate sa lupa, katubigan, at maging sa katawan ng mga residente. Batay ito sa inilunsad na pananaliksik ng mga siyentista sa Barangay Guinbialan, Maayon, Capiz […]
Inspirasyon ang mga babaeng mandirigma, laluna ang mga ina, para sa kababaihan na lumaban at palayain ang sarili. Isang halimbawa nito si Ka Lori na nagsisilbing ina at kasama sa isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Bicol. Masakit mang iwan ang kanyang mga anak, nagpasyang sumapi sa hukbong bayan si Ka Lori noong 2018 […]
Inambus ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Negros (Leonardo Panaligan Command) ang mga elemento ng 94th IB sa Sityo Compound, Barangay Luz, Guihulngan City noong umaga ng Marso 3. Kumbinasyon ng pasabog at bala ng riple ang ginamit ng mga Pulang mandirigma sa opensiba. Dalawa ang patay at apat na sundalo ang sugatan sa naturang […]
Simula Enero 12, tuluy-tuloy ang pagsabog at pagbuga ng nakalalasong usok ng bulkang Taal na nakapagpalikas sa tinatayang milyong residente ng Batangas. Hanggang ngayon, hindi pa nakababalik ang mga nagbakwit sa mga evacuation center at mga tahanan ng kaibigan at kamag-anak sa mga karatig-prubinsya. Umabot sa P3 bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura, […]