Archive of Articles

OceanaGold, muling binigo ng mga residente
December 21, 2019

Nanindigan ang mga residente ng Didipio at ang lokal na pamahalaan ng Nueva Vizcaya na pigilan ang tangkang pagbalik sa operasyon ng OceanaGold Philippines, Incorporated sa kabila ng kautusan ng Department of Interior and Local Government na alisin ang kanilang mga tsekpoynt at barikada. Noong Disyembre 16, hinarang ng Samahang Pangkarapatan ng Katutubong Magsasaka at […]

Mag-amang magsasaka, pinatay sa Compostela Valley
December 21, 2019

Walang-awang pinatay ng mga ahente ng estado ang mag-amang sina Paterno Caso Sr., 71, at kanyang anak na si Dino, 35, noong Disyembre 12 sa Laak, Compostela Valley. Hinarang ang mag-ama ng tatlong armadong lalaking sakay ng dalawang motorsiklo sa Barangay Kapatagan bandang alas-5 ng umaga. Kasama ng mga biktima ang dalawa pang lalaking kapatid […]

Krisis sa galunggong, isinasangkalan para sa liberalisasyon
December 21, 2019

Muling isinangkalan ng rehimeng US-Duterte ang kakulangan sa suplay ng galunggong at kaalinsabay na pagsirit ng presyo nito para itulak ang todong liberalisasyon sa pag-aangkat ng nasabing produkto. Ang galunggong ay itinuturing na isa sa mga batayang pagkain ng mga Pilipino dahil sa murang presyo nito. Tinagurian itong isda ng mahirap. Noong ikalawang linggo ng […]

Trump, isinakdal ng mababang kapulungan ng US
December 19, 2019

Isinakdal (impeach) ng US House of Representatives si US Pres. Donald Trump nitong Disyembre 19 dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan. Matapos ang ilang linggong imbestigasyon, bumoto ang mayorya ng mga kinatawan pabor sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnay ng pag-udyok niya sa Ukraine na imbestigahan ang kanyang posibleng makatunggali sa eleksyong 2020 na […]

Pasistang batalyon, inambus sa Abra
December 07, 2019

Inambus ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra ang mga sundalo ng 24th IB na nag-ooperasyon sa kabundukan ng Tubo, Abra noong Disyembre 1, alas-4 ng hapon. Isang sundalo ang sugatan sa opensiba. Pusakal na mga tagalabag ng karapatang-tao ang 24th IB. Ang mga sundalo nito ang pangunahing mga alagad ni Jovito Palaparan […]

KM sa ika-55 taon: Pagbunyi at pagtugon sa hamon
December 07, 2019

  Sa gitna ng pakikibaka laban sa matinding pasismo, kahirapan at kawalang kalayaan sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, ipinagbunyi ng Kabataang Makabayan (KM) ang ika-55 taon ng pagkakatatag nito noong Nobyembre 30. Ginunita rin sa araw na iyon ang ika-156 taon ng kapanganakan ni Andres Bonifacio. Naglabas ng pahayag ang KM na nananawagan sa kasapian […]

Ika-156 kaarawan ni Andres Bonifacio, ginunita
December 07, 2019

NAGMARTSA ANG DAAN-DAANG aktibista mula Liwasang Bonifacio tungong Mendiola sa Maynila upang gunitain ang ika-156 kaarawan ni Andres Bonifacio. Pinangunahan ng Anakbayan at Kilusang Mayo Uno (KMU) ang protesta bitbit ang panawagang “Labanan ang mga neoliberal na atake sa mga manggagawa at mamamayan.” Mariing kinundena ng mga progresibong grupo ang pagpapataw ng US ng di-pantay […]

Mula sa mga rehiyon: Asembliya ng kauna-unahang sangay ng Partido sa Panay
December 07, 2019

  Naglunsad ng asembliya noong Oktubre 17-18 ang kauna-unahang sangay ng Partido sa Panay. Itinayo ang sangay taong 1973 mula nang muling maitatag ang Partido Komunista ng Pilipinas. Apatnapu’t anim na taon nang patuloy na pinamumunuan ng sangay ang masa sa kanilang baryo at nagtataguyod sa armadong pakikibaka sa rehiyon. Inilatag na tema ng asembliya […]

Magmobilisa upang tumugon sa epekto ng kalamidad-PKP
December 07, 2019

  Nananawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong Disyembre 3 sa lahat ng kumand at yunit ng BHB at mga rebolusyonaryong pangmasang organisasyon na maging handa upang tulungan ang mga apektado ng bagyong Tisoy. “Maaari silang makipag-ugnayan sa mga lokal at internasyunal na grupong nagbibigay ng ayuda upang mabigyan ng karampatang tulong ang mga […]

Mag-asawang magsasaka, pinaslang sa Butuan
December 07, 2019

Binaril at napatay ng mga elemento ng Regional Mobile Force Battalion 13 ang mag-asawang sina Rolando, 55, at Josephine Egtob, 56, sa kanilang sakahan sa Sityo San Roque, Barangay San Mateo, Butuan City noong Disyembre 2, alas 3 ng hapon. Ang mag-asawa ay mga aktibistang magsasaka na kasapi ng UMAN o Unyon sa mga Mag-uuma […]