Archive of Articles

23 opensiba, inilunsad ng BHB sa loob ng 2 buwan
February 07, 2022

Inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang serye ng mga armadong aksyon sa Bicol, Samar at Northeastern Mindanao mula Disyembre 2021 hanggang unang linggo ng Pebrero. Inambus noong Pebrero 1 ng BHB-Catanduanes (Nerissa San Juan Command) ang nag-ooperasyong yunit ng pulis sa Sityo Tucao, Barangay J.M. Alberto, San Miguel. Nasamsam sa operasyon […]

Hustisya para sa mga rebolusyonaryong pinaslang
February 07, 2022

May sakit at nagpapagaling si Pedro Codaste (Ka Gonyong), 72, nang dukutin, pahirapan at paslangin siya ng mga sundalo ng 4th ID. Mula Agosto 2021 pa siya nakahiwalay sa yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at naninirahan sa isang bahay sa Bukidnon para magpagaling sa mga karamdaman. Dinukot siya at kasamang si Ka Sandro sa […]

Kasong diskwalipikasyon laban kay Marcos Jr., inaantala
February 07, 2022

Upisyal na isinapubliko ng Commission on Elections (Comelec) noong Enero 30 ang upinyon ni Commissioner Rowena Guanzon sa kasong diskwalipikasyon laban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Pinaboran ni Guanzon ang apela na pagbawalang tumakbo ang anak ng diktador dahil napatunayan ng isang hukuman sa Quezon City na nagkasala sa hindi pagbayad ng kanyang mga buwis. […]

Bentahan at pandaraya sa pribatisadong eleksyon
February 07, 2022

Habang papalapit ang eleksyong 2022, lumalakas ang ugong sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaugnay sa bilihan ng mga boto gamit ang mga makinang Smartmatic. Ayon mismo sa ilang tumatakbo para sa lokal na pusisyon, may mga ahente ng Smartmatic na sumisingil ng ₱60 milyon kapalit ng pagsiguro ng pagkapanalo ng isang kandidato. “Sa nakaraang […]

Sa madaling salita
February 07, 2022
Paano dadami ang trabaho kung bagsak ang produksyon?
February 07, 2022

Ang “pagdami ng trabaho” noong nakaraang taon ang isa sa mga kababalaghang ipinalalaganap ng mga upisyal sa ekonomya ni Rodrigo Duterte. Nais nitong pagtakpan ang pinsala na idinulot ng mga lockdown, kawalan ng pampasikad na ayuda at palpak na tugon ng rehimen sa pandemyang Covid-19. Ipinagyabang ng rehimeng Duterte na 1.5 milyong trabaho ang “nadagdag” […]

Presyo ng mga bilihin, itinaas ng estado
February 07, 2022

Itinaas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin matapos nitong pagtibayin noong Enero 27 ang mas mataas na bagong mga suggested retail price (SRP o mungkahi na tingiang presyo) ng 73 batayan at pangunahing mga bilihin. Kumpara sa huling listahan ng SRP na inilabas ng DTI noong Agosto 29, […]

Mga protesta
February 07, 2022

Protesta laban sa Kaliwa Dam. Nagrali noong Enero 31 sa harap ng upisina ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa Quezon City ang mga katutubo at grupong makakalikasan na sasagasaan ng proyektong Kaliwa Dam. Kinundena nila ang pagratsada sa proyekto sa kabila ng malawakang pagtutol ng mga residente rito. Binatikos nila ang huwad na konsultasyon […]

Pinsalang hatid ng mga pagmiminang open-pit
February 07, 2022

Nagkulay-kahel ang Mapagba River at tabing dagat sa Barangay Maputi, Banaybanay, Davao Oriental noong Enero 14 matapos umagos ang mga kemikal at dumi mula sa umapaw na imbakan ng latak sa mina. Sa ilog at dagat nagmumula ang kabuhayan ng taumbaryo, at bago mangyari ang naturang insidente, sa ilog pa naliligo at naglalaba ang mga […]

Komunidad sa Cagayan, gibomba sa militar
February 07, 2022

Pagpamomba duul sa mga sibilyang komunidad sa Cagayan, iligal nga mga pagpangaresto ug pagpamig-ot sa mga mag-uuma ug lain pang sibilyan ang nataho sa Ang Bayan sa milabayng semana. Naghulog ang AFP og 30 ka bomba sa upat ka ronda gikan alas-3 sa buntag sa Enero sa Barangay Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan, bisan og walay […]