HIGIT 2000 ANG nagmartsa patungong Philippine International Convention Center (PICC) kung saan isinagawa ang bilangan ng 2019 eleksyong midterm noong Mayo 17. Nagkaisa ang sektor ng kabataan, kababaihan, taong simbahan at iba pa sa pangunguna ng grupong Kontra Daya at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para kundenahin ang dayaan at karahasan sa eleksyon. Higit pitong oras […]
PROTESTA LABAN SA BACIWA TAGUMPAY SA SUPER 8. Tagumpay ang black shirt protest ng Samahang Manggagawa sa Super 8 Retail System Incorporated noong Mayo 8. Inilunsad ang pagkilos at pagpapabagal ng produksyon bilang protesta sa pagsuspinde sa 15 manggagawa na tumangging magtrabaho ng obertaym noong Mayo 4. Agad na ibinalik sa trabaho ang mga manggagawa […]
Huwad na rehabilitasyon ng Marawi Magdadalawang taon na matapos palayasin ng rehimeng US-Duterte ang mga Maranao sa Marawi City. Hanggang ngayon, wala pang pamilya ang nakababalik sa sentro ng syudad dahil okupado ito ng mga sundalong Pilipino at Amerikano. Habang nagtatagal, lalong nagiging imposible na makabalik pa ang mga residente dito. Sa bisa ng isang […]
INATAKE NG MGA hindi nakilalang mga lalaki ang piket ng mga manggagawa ng Holcim Philippines Inc. sa harap ng planta ng kumpanya sa Davao City noong Mayo 1. Higit dalawampung lalaking nakabonet na may dalang mga patalim ang dumagsa sa piket. Pinagbabaklas nila ang mga balatengga at plakard ng Davao Holcim Employees Workers Union. Nakapiket […]
PLANONG IDAOS NG US ang mas malalaking pagsasanay-militar sa bansa sa 2020. Partikular sa pagsasanay na Salaknib, higit doble ang nakatakdang lalahok na mga Amerikanong sundalo mula 900 ngayong taon tungong 1,700 sa susunod na taon. Ang Salaknib ay paghahanda sa taunan at mas malaking pagsasanay na Balikatan. Mula Enero hanggang Marso nitong taon, lalong […]
PANSAMANTALANG NATIGIL ang negosasyong pangkalakalan sa pagitan ng US at China noong Mayo 10 matapos ianunsyo ni Donald Trump, presidente ng US, ang pagpataw ng 10-25% taripa sa mga kalakal mula sa China na nagkakahalaga ng $200 bilyon. Inakusahan ni Trump ang China ng hindi paggalang sa dating mga napagkasunduan kaugnay ng intellectual property rights, […]
HINDI KRIMINAL ANG MGA BATA. Kasabay ng sesyon ng Senado noong Mayo 20, nagpiket ang mga tagapagtanggol ng karapatang-tao at mga organisasyong nangangalaga sa karapatan ng mga bata sa harapan ng Senado sa Pasay City. Kinundena nila ang nais ipasang batas na magbababa sa edad ng bata na pwedeng ikulong. Pinangunahan ito ng Salinlahi Alliance […]
Binigwasan ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Samar ang abusadong mga yunit ng Armed Forces of the Philippines na nagtatago sa likod ng umano’y “community organizing for peace and development” o COPD sa iba’t ibang baryo sa isla. Tugon ito ng BHB sa maraming reklamo ng mga magsasaka laban sa naturang mga […]
Sa nagdaang ilang buwan, pinatakbo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang palabas sa midya para lumikha ng huwad na larawan ng “suporta” para sa brutal na National Internal Security Plan o Oplan Kapayapaan na gerang panunupil ng rehimeng Duterte. Gamit ang kapangyarihang de facto martial law, inobliga ng AFP ang ilang upisyal […]
Pinapasok na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga engklabo ng paggawa o mga export processing zone bilang bahagi ng estratehiyang whole-of-nation approach ng National Task Force to End Communist Insurgency (NTF). Noong Marso 5, pinirmahan ng mga upisyal ng AFP, Department of National Defense at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang […]