Archive of Articles

Mapangwasak na kumpanyang mina sa Negros, pinaralisa ng BHB
January 07, 2019

Matagumpay na napahinto ng BHB-Negros (Mt. Cansermon Command) ang mapaminsalang operasyong open-pit na pagmimina ng Pilipinas Eco-friendly Mining Corporation (PEMC) sa Ayungon, Negros Oriental noong Enero 2, pasado ala-una ng madaling araw. Pinaralisa ng BHB ang mga kagamitan ng PEMC sa open-pit mining sa hangganan ng mga barangay ng Banban at Mabato sa naturang bayan. […]

Pampulitikang panunupil sa Central Visayas, kinundena
January 07, 2019

Nagpiket ang mga progresibong organisasyon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Central Visayas sa harapan ng Police Regional Office VII Camp Sergio Osmena sa Cebu noong Enero 2. Kinundena ng mga grupo ang pampulitikang pamamaslang sa anim na progresibo at iligal na pag-aresto sa 16 na aktibista sa isla ng Negros noong unang linggo ng […]

NHA, kinalampag ng maralitang-lunsod
January 07, 2019

Kinalampag ng 500 maralitang-lunsod sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang upisina ng National Housing Authority (NHA) noong Enero 7. Lumahok ang mga kasapi ng KADAMAY mula sa Pandi, Bulacan na nagtagumpay sa pag-okupa ng tiwangwang na pabahay. Ipi­na­na­wa­gan nila ang kagyat na pagbibigay ng titulo ng mga yunit ng bahay na kanilang […]

Pamamaslang sa Negros, lalong tumindi
January 07, 2019

Anim na sibilyan ang pi­nas­lang ng mga ber­du­go ng 94th IB at Phi­lip­pi­ne Na­tio­nal Po­lice sa mag­ka­ka­hi­wa­lay na in­si­den­te noong ga­bi ng Di­sye­mbre 26 sa Neg­ros Ori­en­tal. Ma­li­ban di­to, may 27 ili­gal na ina­res­to at si­nam­pa­han ng ga­wa-ga­wang mga ka­so sa pru­bin­sya. Ang koor­di­na­dong mga ata­keng ito la­ban sa ma­ma­ma­yan ng Neg­ros ay isi­na­ga­wa sa […]

‘Crackdown’ sa mga gu­ro, bi­na­ti­kos
January 07, 2019

Binatikos ng Alliance of Concer­ned Teachers (ACT), mga gu­ro, abu­ga­do at ta­ga­pag­tang­gol ng ka­ra­pa­tang-tao ang utos ng Phi­lip­pi­ne Na­tio­nal Po­lice (PNP) na tik­ti­kan ang mga myembro at kaal­ya­do ng ACT noong Ene­ro 6. Nagpro­tes­ta ang mga gu­ro mu­la sa Ma­ni­la Pub­lic Scho­ol Teachers Associa­ti­on at ACT sa ha­ra­pan ng upi­si­na ng De­partment of Educa­ti­on-Ma­ni­la noong […]

Protesta ng mga "yellow vest" sa France, nagpapatuloy
December 21, 2018

  PUMASOK NA SA ikalimang linggo ang mga kilos protesta ng mamamayang Pranses laban sa anila’y kontra-mahirap na mga polisiya ng gubyerno ni President Emmanuel Macron. (Basahin sa Ang Bayan Nobyembre 21, 2018.) Kumpara sa mga nakaraang pagkilos, ang lingguhang kilos protesta (tuwing Sabado) noong Disyembre 15 sa Paris at iba pang syudad ng France […]

CPI-Maoist nagdaos ng ikalimang Plenum
December 21, 2018

  IDINAOS NG PARTIDO Komunista ng India (CPI-Maoist) ang ikalimang Plenum nito noong Nobyembre 2018 at naghalal ng bagong mga kasapi. Naghapag ng pagbibitiw bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido si Kasamang Ganapathy para bigyan-daan ang mga nakababatang kasapi ng Komite Sentral. Ang kanyang lumalalang kalagayan ng kalusugan at pagtanda ang mga batayan ng kanyang pagbibitiw. […]

Ang mga tinabunang krimen sa gera ng yumaong Bush
December 21, 2018

  Puring-puri ang masmidya ng US kay dating presidenteng George Herbert Walker Bush o Bush Sr. nang yumao ito noong Nobyembre 30. Pakay ng mga papuring ito ng mapambolang masmidya at elitistang pulitiko na ibaon sa limot ang mga krimen sa gera at henosidyong karahasan ng imperyalistang US. Ngunit para sa mga kritiko ni Bush […]

Batas militar sa Mindanao, muling pinalawig
December 21, 2018

  Sa ikatlong pagkakataon, muling pinalawig ng isang taon ang implementasyon ng batas militar sa buong isla ng Mindanao matapos aprubahan ng Joint Session ng House of Representatives at Senado noong Disyembre 12 ang hiling na ito ni Rodrigo Duterte. Sa botong 223-23 sa House of Representatives at 12-5 sa Senado habang may isang nag-abstain, […]

Bahay ng lider obrero, sinunog sa Compostela
December 21, 2018

SINUNOG NG MGA hindi kilalang tao noong alas-2 ng madaling araw ng Disyembre 15 ang bahay ni Paul John Dizon, presidente ng NAMASUFA (Nagkahiusang Mamumuo sa Suyapa Farms), sa poblasyon ng Compostela sa Compostela Valley. Natupok din ang bahay ng dating NAMASUFA President at dating Kilusang Mayo Uno-Southern Mindanao Region Chairperson Vicente Barrios na nasa […]