Archive of Ang Bayan

Sa madaling salita
May 21, 2024
War games ng US at Australia sa Pilipinas, nagpapatuloy
May 21, 2024

Upisyal nang natapos ang Balikatan 39-24 noong Mayo 10, pero nasa Pilipinas pa rin ang libu-libong sundalong Amerikano para sa pangalawang serye ng Salaknib-24 na unang inilunsad Abril. Marami pang kasunod na mga war games ang “tahimik” na ilulunsad ng US sa bansa. Nasa bansa pa rin ang mga sundalong Australian para sa Kasangga exercise. […]

(Video) Sa madaling salita
May 21, 2024

Download

Mga protesta
May 21, 2024

  Ibalik ang 5-taong prangkisa! Nagprotesta ang ilandaang tsuper at opereytor ng dyip noong May 16 sa harap ng LTFRB sa Quezon City para kundenahin ang kautusan na hulihin ang mga hindi pumailalim sa sapilitang konsolidasyon ng mga prangkisa. Iginiit ng mga tsuper at opereytor na ibalik ang kanilang 5-taong indibidwal na prangkisa para sa […]

Labanan ang operasyon ng Makilala Mines Corporation Inc sa Kalinga
May 21, 2024

Nanawagan ang Cordillera People’s Democratic Front (CPDF)-Kalinga sa mga pambansang minorya at magsasaka na sama-samang labanan ang operasyon ng Makilala Mines Corporation Inc (MMCI) sa bayan ng Pasil, Kalinga. Ang kumpanyang ito ay subsidyaryo ng Celsius Resources ng Australia. Ang pamumuhunan ng MMCI sa Kalinga ay kasunod ng ginawang pagsusubasta ni Ferdinand Marcos Jr sa […]

Mga minero sa Benguet, nagbarikada
May 21, 2024

Nagbarikada ang mga minero ng Dontog-Manganese Pocket Miners Association (DOMAPMA) laban sa malaking kumpanya sa mina na Benguet Corporation, Inc. (BCI) sa Sityo Dalicno, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet noong Mayo 13. Ang barikada ay bahagi ng kanilang pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan laban sa sapilitang pang-aagaw ng BCI sa mga […]

Wala pa ring hustisya sa Marawi City
May 21, 2024

Ilang linggo bago ang ika-7 taong anibersaryo ng pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marawi City, nagsagawa ng kilos protesta ang mga residente rito para igiit ang labis nang nabalam na hustisya. Noong Mayo 13, nagtipon sa Rizal Park sa syudad ang mga residente na hanggang ngayon ay hindi pa nakababalik sa […]

68 ektaryang lupa, naipagwagi ng mga magsasaka ng Tinang
May 21, 2024

Upisyal nang kinilala ng reaksyunaryong gubyerno ang pagmamay-ari ng 90 magsasakang kasapi ng Malayang Kilusang Samahan ng mga Magsasaka ng Tinang (Makisama-Tinang) sa 68 ektaryang lupa sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Mayo 8. Bunga ito ng tatlong dekadang pakikibaka para sa lupa at muli nilang paglulunsad ng kampanyang pagbawi sa lupa sa porma […]

"Malinis" na enerhiya sa Batangas, maruming pagkukunan ng kwarta
May 21, 2024

Dahil sa likas na yaman ng prubinsya ng Batangas at bentaheng pwesto nito sa bansa at rehiyon, pinaglalawayan ito ng malalaking negosyante at dayuhan. Ilan taon nang bukambibig ng reaksyunaryong estado ang pagbabawas ng pagsandig sa fossil fuel (langis at karbon) bilang pinagkukunan ng enerhiya ng bansa. Sa ilalim ng rehimeng Duterte, nagsimulang ibukas ang […]

Pambobomba, pag-aresto at karahasang militar at pulis
May 21, 2024

Sa nagdaang mga linggo, walang-puknat ang terorismo ng estado sa ilalim ng rehimeng Marcos. Naitala ang mga kaso ng pambobomba, iligal na pag-aresto at panggigipit sa pagkakaso ng “terrorism financing” laban sa mga demokratikong organisasyon at sektor. Pambobomba. Naghulog ng 10 bomba ang mga jet fighter ng Philippine Air Force sa mga barangay ng Peñablanca, […]