Malaki ang puhunan ng pamilyang Alcantara sa kontrobersyal na Tampakan Copper-Gold Project. Isa lamang ito sa mga negosyo ng Alsons Consolidated Resources Incorporated (ACR o Alcantara Group), isang dambuhalang kumpanyang may samutsaring sangay ng negosyo na nakabase sa Mindanao. Kontrolado rin ng Alcantara Group ang malaking sapi sa Australian na kumpanyang Indophil Resources NL. Kabilang […]
Muling umigting ngayong taon ang walang awat na kampanyang militar sa mga hangganan ng mga prubinsya ng South Cotabato, Davao del Sur, Sultan Kudarat at North Cotabato. Naglunsad ng operasyong dumog sa naturang lugar ang mga pasistang pwersa ng 39th IB, 27th IB, at 73rd IB sa ilalim ng 1002nd IBde ng AFP, at ang […]
Sa Buwan ng mga Guro, karahasan ang iniregalo ng rehimeng US-Duterte sa mga guro at kanilang mga estudyante. Dalawang guro ang tinangkang paslangin habang apat ang iligal na inaresto. Sa Bukidnon, binaril ng mga ahente ng rehimen sa harap ng kanyang mga estudyante si Zhaydee Cabañelez at asawa niyang si Ramil noong umaga ng Oktubre […]
Noong nakaraang linggo, sumiklab ang galit ng mga residente ng Metro Manila matapos sabay-sabay na pumalya ang tatlong sistema ng tren na sinasakyan ng milyun-milyong mamamayan. Dumagdag ito sa napakalala nang trapik sa mayor na mga daan sa pambansang kabisera. Sa harap nito, ipinagpilitan pa ng rehimeng Duterte na walang nagaganap na krisis sa transportasyon. […]
Muling sumiklab ang matinding armadong labanan sa hilagang-silangang Syria (tinaguriang Rojava) nang salakayin ito ng mga armadong pwersa ng Turkey noong Oktubre 9. Sa ngalan ng “Operation Peace Spring,” isang kampanyang diumano’y kontra-terorismo, walang patumanggang binomba ng Turkey ang mga bayan sa hangganan nito at ng Syria na pinangangasiwaan ng Kurdish Democratic Union Party (PYD). […]
Naglunsad ng welgang bayan ang puu-puong libong mamamayan ng Ecuador mula Oktubre 3-13 sa kabisera sa Quito para ipahayag ang kanilang pagtutol sa “Pacquetazo Package” o serye ng mga neoliberal na repormang ipinatupad ng rehimen ni Pres. Lenin Moreno. Ipinatupad ito kapalit ng pautang na $4.2 bilyon mula sa International Monetary Fund (IMF) noong Pebrero. […]
Lumalaganap ngayon sa buong daigdig ang mga pagkilos laban sa mga patakaran at kumpanyang sumisira sa kalikasan at lumilikha ng mga pagbabago sa klima. Noong 2018, sinimulan ang mga pagkilos tuwing Biyernes sa ilalim ng kampanyang #FridaysForFuture (o Biyernes para sa kinabukasan). Katangi-tangi sa mga protestang ito ang presensya ng mga bata at kabataan, laluna […]
Kung paniniwalaan ang araw-araw na satsat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), matagal nang ubos ang Bagong Hukbong Bayan (BHB). Libu-libo na raw ang “sumurender” at “nagbalik-loob.” Lusaw na raw ang mga larangang gerilya at pilay na ang natitira pang mga yunit ng BHB. Wala na raw suporta ang BHB dahil “persona non grata” […]
Download the issue here Pilipino: PDF | EPUB Bisaya: PDF | EPUB | MOBI English: PDF | EPUB | MOBI Waray: PDF
Deception and oppression. Everyday, this is what Duterte and the AFP/PNP bring to the people in farms and mountains. They promise “Peace” and “Stability,” but their war against the people engenders only violence and poverty. Their showcase “services” fail to conceal the deep-seated problems of poverty and joblessness caused by land grabbing and dispossession. That […]