Archive of Ang Bayan

LABAN SA MGA CYBER-ATTACK.
April 07, 2019

Nagpiket ang iba’t ibang grupo ng alternatibong midya, mga aktibista para sa digital rights at kanilang mga tagasuporta sa harapan ng Department of Information and Communications Technology noong Marso 12 kasabay ng paggunita sa World Day vs Cybercensorship. Kinundena ng mga grupo ang kawalang aksyon ng ahensya sa pagtugon sa pang-aatake sa kanilang mga website. […]

Mandatory ROTC, tinutulan
April 07, 2019

SUNUD-SUNOD NA PROTESTA ang inilunsad ng mga progresibong organisasyong kabataan matapos ibalita ang brutal na pagpatay kay Willie Amihoy, isang kadete ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa Iloilo State College of Fisheries. Pinatay si Amihoy ng kanyang kumander sa ROTC na si Elmer Decilao noong Marso 10 matapos siyang pagbintangan ng huli na nagtago […]

Presyo ng palay, sibuyas at kopra, itaas!
April 07, 2019

TULUY-TULOY ANG PAGBAGSAK ng presyo ng palay, sibuyas at iba pang lokal na produktong agrikultural sa unang kwarto ng 2019. Ito ay dulot ng walang sagkang pag-aangkat ng naturang mga produkto sa ilalim ng liberalisadong kalakalan. Mula sa humigit-kumulang P20/kilo noong nagdaang taon, nasa P14/kilo na lamang ang presyo ng lokal na palay noong Marso. […]

Pondo para sa tagtuyot, iginiit na ilabas
April 07, 2019

NGAYONG TAON, dadanas ng tagtuyot ang 11 prubinsya ng Mindanao (Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, South Cotabato, Sultan Kudarat, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi) habang 26 naman ang sa Luzon (Abra, Benguet, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Bataan, Nueva Ecija, Zambales, Metro […]

Mga tagumpay ng mga magsasaka sa Cagayan at Capiz
April 07, 2019

NAGKAMIT NG MGA tagumpay ang mga magsasaka ng Maayon, Capiz matapos makipagdayalogo sa walong komersyante-usurero ng naturang bayan noong Marso 26. Lumahok sa dayalogo ang 250 magsasaka mula sa 13 barangay ng Maayon. Pinangunahan ng Kahublagan sang mga Mangunguma kag Mamumugon sa Uma sa Capiz (Kammaca), tsapter ng Pamanggas-Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa prubinsya. Tampok […]

NPA50: Digmang bayan, hanggang sa tagumpay
April 07, 2019

Pinakamataas na pagpupugay ang ipinaaabot ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa mga Pulang kumander at mandirigma sa ika-50 taon ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Sa pahayag nito, binati ng PKP ang mga tagumpay ng BHB sa nagdaang limang dekada ng paglulunsad nito ng digmang bayan. Pinarangalan din ng Komite […]

PNP, inambus sa Mt. Province
April 07, 2019

INAMBUS NG Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mt. Province ang nag-ooperasyong tropa ng Philippine National Police (PNP) na nagtangkang isabotahe ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng BHB noong Marso 29. Pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang mga pulis bandang alas-9 ng umaga sa Mt. Gonggong-o sa bayan ng Bauko. Isang pulis ang namatay at isa ang nasugatan. […]

Masaklaw na isulong ang reporma sa lupa at gapiin ang digmaan ni Duterte sa kanayunan
April 07, 2019

Sa harap ng pinasidhing brutalidad ng todong gera ni Duterte sa kanayunan, dapat iluwal ng masang magsasaka at mga rebolusyonaryong pwersa ang isang masaklaw na kilusan para sa reporma sa lupa bilang mahalagang gulugod ng ubos-kayang paglaban sa pasistang rehimen. Gamit ang absolutong kapangyarihan, ipinataw ni Duterte ang paghahari ng teror sa buong bansa. Sa […]

Ang Bayan | April 07, 2019
April 07, 2019

Download PDF: PIL | EN | BIS | WA | IL

Ma­pa­nga­has na paig­ti­ngin ang pa­ki­ki­dig­mang ge­ril­ya at to­dong la­ba­nan ang pa­sis­tang re­hi­meng US-Du­ter­te! Isu­long ang dig­mang ba­yan sa hi­git na ma­ta­as na an­tas!
March 29, 2019

Men­sa­he ng Ko­mi­te Sentral ng Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas sa oka­syon ng ika-50 ani­ber­sar­yo ng Bagong Hukbong Bayan Su­ma­sa­lu­do at ipi­naaa­bot ng Ko­mi­te Sentral ng Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas, kai­sa ang sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no at la­hat ng ka­ni­lang re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa, ang pi­na­ka­mi­li­tan­teng pag­ba­ti sa ma­gi­gi­ting na Pu­lang ku­man­der at man­di­rig­ma sa oka­syon ng ika-50 ani­ber­sar­yo ng […]